Chapter 17

984 37 2
                                    

Sheena's P.O.V

OMG to the highest level, nakakakilig, hays ganda talaga ni beshie Blare.

We are going na sa classroom namin coz' tapos na rin kaming mag lunch.

Pagpasok namin nakita namin si beshie Blare na kinukulit ng prinsipe niya, hehe I'm so naiinggit na talaga, pero to be honest they're so perfect for each other.

Umupo na 'ko at kinuha ang cp ko para mag selfie.

Hay ang ga...

"Hi babe are you free tonight?" akala ko kung sino--- si unggoy lang naman pala.

Hindi ko alam pero kusang namula talaga ang pisngi ko, Oh no what to do.

Ahha wag ko nalang pansinin.

"Awww, ang cute naman ng babe ko pag nag blush," aniya.

Chee matuyo sana laway mo kakasalita.

"Ouch, babe wala man lang bang sagot diyan?" pangungulit niya.

Aishhh.

"You know what you're so nakak..."

Hindi ko na napatapos ang sasabihin ko ng hinalikan niya ko sa pisngi. Aba GA*O to ah.

"Hooy bakit ginawa mo yon lago..."

Aish naman oh bakit ba hindi man lang nila ako pinapatos sa mga sasabihin ko.

"Good afternoon prof!" Mga kaklase ko yan.

"Good afternoon so we have no class this afternoon bec..."

Oh kitams pati si prof hindi na nila pinatapos,

Eh pano ba eh nagsi yeheyan ang mga kaklase namin.

"CLASS LISTEN TO ME FIRST..."

Humaygash my precious eardrums... aargh. Pero ok lang dahil natahimik din ang mga ungas kong kaklase, well except sa mga beshies ko, hehehe, love ko yan no, wag kayo.

"Okay no class, dahil may meeting kami ngayon, and you have to prepare and pack your things for tomorrow. Dahil mag ca-camping tayo tomorrow, saturday, 7: 00 in the morning and dapat andito na kayo before that time dahil aalis at aalis kaagad ang sasakyan nating bus sa ganoong oras, oh, and one more thing lahat sasama hindi pwedeng hinding sumama okay. But don't worry para sa mga first-aid kits kami na ang magdadala but make sure to bring your flashlights and snacks. That's all class and goodbye." Sabi pw ni prof.

"Thank you and goodbye prof!"

"Gals, lets go na we have to pack our things pa coz I'm so excited na." sabi ko kila beshie.

Di pa ko nakakatayo nang biglang sumulpot ang unggoy.

"Wala man lang bang goodbye kiss, babe?"

Bat ba ang kulit nito.

"Ba't ba ang kulit mong unggo... "

Ang totoo lang magnanakaw ba tong unggoy nato.

"Hoy kanina ka pang nakaw ng nakaw ng halik, unggoy ka. Arghh nakakainis!" sigaw ko sa kanya.

Kaya he stopped running sabay sigaw ng...

"Bye babe, alis na ko nakuha ko na ang gusto ko."

Ga*go talaga tong unggoy nato.

"Ayiiiet, si besh namumula oh."

"Che, lets go na nga lang mag iimpake pa tayo." sabat ko.

Pero ayon nakasunod nga sakin tinutukso naman ako, bahala sila diyan mapapagod din lang naman ang mga yan eh.

Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon