Chapter 2

1.7K 82 12
                                    

Drake's P.O.V

Drake Ezekiel Anderson nga pala, Joanna Mae Anderson at Daniel Dexon Anderson naman ang pangalan ng parents ko.

Kakatapos lang namin kumain sa restaurant na pagmamayari ng tita ni Lance dito sa mall. Naglalakad-lakad muna kami, as always mga nakakarinding tili na naman ang naririnig namin.

"Girl tingnan mo sila oh diba sila yung Campus Kings sa K.H.U?"

"Oo nga girl ang ga-gwapo at ang astig ng dating nila." 

"Omg kinindatan ako ni Vince, girls!"

And here we go again umaandar na naman ang pagka playboy ni Vince, inaamin ko na ganyan din ako kagaya niya pero wala ako sa mood ngayon.

"Mga bro punta muna tayo sa book store may titingnan lang ako na libro doon." Kahit kailan talaga tong si Alexander Gian.

"Ah sige lang bro tara na."

Pumasok kami sa book store at napag desisyonan namin na maghiwa- hiwalay na muna kami para makapili kami ng gusto naming bilhin.

At dahil nga wala ako sa mood ngayon, lumabas na ako at napagdesisyonan na dito na lang ako maghihintay sa kanila.

Habang naglalakad ako may nakabangga akong babae at dahil mukha siyang kalansay sa pagkaliit niya, nabitawan niya ang mga dala niya.

"Araay!" rinig kong pag impit ng babae habang nililigpit ang nakalat niyang dala.

Nagpatuloy ako sa paglalakad na parang walang nangyari at yung babae? Ayun, sigaw ng sigaw pero binalewala ko lang ito na para bang wala akong naririnig

"Oh bro andito ka lang pala akala namin nag bar ka na naman, anong ginagawa mo dito?" tanong sakin ni Ash.

"Oh, andito na pala kayo, tara na umuwi na lang muna tayo pagod na 'ko mga bro at isa pa wala ako ngayon sa mood," pa cool kong sabi sa kanila at binalewala ang tanong sakin ni Ash.

Tumango naman silang tatlo at naglakad na.

Pagdating ko sa mansion pumunta na ako agad sa taas para makapagpahinga sa kwarto ko.

Dala na rin aiguro ng pagod, nakatulog agad ako.

Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon