Chapter 48

652 33 2
                                    

Alex's P.O.V

Para akong natuyuan ng lalamunan dahil di man lang ako makasabi ng kahit anong salita manlang.

Sinubukan kong ibuka ang aking bibig, pero wala talagang lumalabas na kahit anong salita.

"Oh ano natameme ka dyan. Ganyan ba talaga ako ka wala sayo Alex ha. Na kahit isang sagot wala ma..."

Yinakap ko nalang sya, dahil di ko na talaga kayang makitang umiiyak siya.

"Mahal kita Riley, mahal na mahal kita,baby." Bulong ko sa kanya.

"Oh bat ikaw naman natahimik ngayon, Ano na?" mapang-asar kong sabi.

Tinulak nya ko kaya napayakap siya sakin dahil muntik nakong mahulog.

"Di ka sasagot, edi wag."

Ano ba naman tong pandak na'to di talaga niya ako ipapaliguin eh, pero napangiti naman ako dahil sa huling pagsigaw nya.

"Wag nga--- Oo na, I LOVE YOU DIN *sabay yakap sakin*, 'wag ka nang tumalon."

Napatawa nalang ako ng malakas dahil sa sinabi nya kaya nga as expected binatokan niya nga ko.

"Tinatawa tawa mo dyan ah, kala mo nakakatuwa hmpp." pasinghal nyang sabi tsaka tumalikod.

Pero bago pa sya makaalis,hinawakan ko yung kamay niya kasabay nun ang pagtalon ko kaya ayon napayakap na naman siya.

"Alex hindi ako marunong lumangoy ga*o ka!!" natawa nalang ako sa reaction niya.

Panay ako tawa, habang siya naman panay suntok sakin.

Amazona nga talaga silang apat, haayst.

"Tss, ansakit na ah...Wag ka nga magulo, halikan kita dyan eh at saka di ka naman malulunod, dahil sisiguradohin kong sakin ka lang malulunod--- MALULUNOD sa PAGMAMAHAL ko," nakita ko namang namula siya haayst, lakas talaga epekto ng mga poging nilalang katulad ko.

"Pero 'wag kang OA baby hanggang balikat mo na nga lang yung tubig eh bwahahaha." napatigil ako sa kakatawa ng bigla siyang sumigaw.

"Riley may dugo, halika dun muna tayo." hinawakan ko siya sa kamay at dinala sa parte ng may malaking bato.

"Wait lang upo ka dito," sabi ko sabay tingin sa may paa niya kasabay ng paglaki ng mata ko.

"May sugat ka, haayst... Sabi nang wag magulo eh," pero di siya sumagot at hinubad nalang ang damit niya, kaya mas lumaki pa yung mata ko.

"Hoy Ella Riley Salvador ano sa tingin mo ang ginagawa mo ah!?"

"Wag po kayong oa naka two piece po ako" sabi niya sabay balot ng damit nya sa parte ng paa niya na may sugat.

Pero kahit na kita pa rin nga yung tiyan niya.

Hinubad ko ang damit ko at pinasuot sa kaniya.

"Uyy, anong ginagawa mo," inosenteng naiinis niyang sabi.

"Malamang, pinasusuotan ka ano ba sa tingin mo, alangan namang babalik tayo dun ng naka two piece ka lang. Haayst tara na nga."aya ko sa kaniya sabay akbay.

Nang makarating kami sa resort, pumasok kami sa paborito kong cottage at don umupo.

"Ahm. Wait lang dyan ka lang muna may kukunin lang ako," sabi ko sa kaniya at tumango naman siya.

Kumuha ako ng first aid kit at bumalik, pero pagbalik ko di ko inaasahan ang makikita ko.

Andon yung asungot at ginagamot ang sugat ni Riley.

"Wow, sabi ko sandali lang at babalik ako eh pero mukhang nakakaistorbo pala ako sa inyo." sabi ko nalang sabay talikod,bpero narinig ko pang tinawag niya ko.

Habang naglalakad ako, nakaramdam ako ng pagod kaya umupo na muna ako sa may dagat.

Haayst ang ganda ng sunset kayganda din sana ng araw ko kaya lang may sumirang ugok.

Habang nakapikit yung mga mata ko,may narinig akong nagsalita sa likod ko at alam na alam ko kung sino yun.

"Haayst, napaka tampohin mo talaga halika nga dito."

Pag lingon ko siya nga di ako nagkamali.

Pero bago pa niya ko mayakap
tumayo nako at naglakad.

Pero napatigil din ako ng narinig ko siyang humikbi, pagkalingon ko nakita kong nakaluhod siya at may gasgas na yung tuhod niya.

Tumakbo ako papalapit sa kaniya at pinatayo siya kasabay ng pagyakap ko sakaniya.

''Shhh, stop now. I'm so sorry di ko sinasadya," paghingi ko ng tawad sa kaniya.

Pero di pa rin siya tumitigil sa kakaiyak.Kaya mas hinigpitan ko pa yung pagyakap ko sa kaniya kasabay ng pagsalita niya.

"Kala ko mahal mo ko. Eh bat mo ko tinalikuran," napatawa nalang ako dahil sa kacutan niya.

Haha para kase siyang batang inagawan ng candy.

"Tsk, tawa pa."sabi pa niya sabay walk out.

Pero bago pa niya magawa yun niyakap ko na siya patalikod.

"Suss. Wag ka ng magtampo baby kooo~ mahal naman talaga kita eh,nabadtrip lang ako dahil sa asungot nayun"sabi ko nalang sabay halik sa buhok niya.

Haaysst ang cute talaga nitong babaeng to.

I really love this childish girl.





Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon