Blare's P.O.V
Ouch wengyang alarm clock! Ayan tuloy nahulog ako, woooh ang sakit ng ulo ko pero pagtingin ko sa kalendaryo ko napabalikwas ako agad, aish first day namin ngayon hindi kami pwedeng ma-late.
Pumunta na agad ako sa walk in closet ko para sa first day namin wala pa kasi kaming uniform dahil sabi ng principal pagkatapos na lang daw ng first day namin niya ibibigay ang mga uniform namin.
Pinili ko na lang ang skirt na blue at off-shoulders na dirty white nag sandals ako na kulay silver dahil siyempre hindi ako papayag na may makakalamang sa kagandahan ko lalo na't first day namin ngayon.
Naligo ako at sinuot na ang aking mga napili, next step pumunta na ako sa mirror at naglagay ng sunblock sa mukha ko, naglagay din ako ng eyeliner and this time lip gloss na ang nilagay ko sa kissable lips ko, nagsuklay na ako at kinulot ko na din ang ilalim ng buhok ko.
Then boom, ayos na ang pinakagandang dyosa. Kinuha ko na ang sling bag ko at phone.
Paglabas ko ng kwarto, well hindi lang pala ako sabay kaming apat at hmmm parang pinag usapan ata namin ang aming susuotin, ah.
As expected, parehas ulit kaming apat ng outfit pero iba-iba ang kulay, ang akin dirty white and blue, kay Riley white and black, kay Allisha red at black, at ang kay Sheena pink at black.
"Wow pinag usapan ba talaga natin to mga beshies?" natatawang tanong ni Riley.
Nagsitawanan din naman kaming apat.
"Hahaha mukha nga, tara na nga baka ma late pa tayo," ako.
Tumango naman sila at nag lakad na papunta sa kani-kanilang sasakyan, well parehas lang naman kami pero iba ang kulay red akin, kay Riley white, kay Allisha gray, at kay Sheena naman black.
After 15 minutes nakarating na kami at sabay din kaming bumaba sa mga kotse namin, habang naglakad kami halos lahat na estudyante ay nakatingin samin.
Haaay this is what I want, all eyes on me.
Iba-iba ang mga naririnig namin.
"Ooh, pre ang ganda nila baka sila ang mga transferees?"
"Oo nga pre ang se-sexy, whooo ang init,"
"Omo girl tingnan niyo bilis ang gaganda nila!"
"True girl sigurado akong ngayon palang sisikat na silang apat tingnan mo oh parang mga dyosa."
Well I guess maganda nga ang paglipat namin sa eskwelahang ito.
Papunta na kami sa principal's office para kunin ang schedule naming apat, sana magkaklase pa din kami.
Andito na kami and kumatok na si Allisha at ayun pumunta na kami sa loob, pagpasok namin may nakita kaming apat na lalake na nakatalikod samin at mukhang kinakausap ng principal.
"Aheeem!" napaka talaga ni Riley walang excuse man lang eh.
Nakuha niya ang atensiyon ng lahat pero hindi namin pinansin ang apat na lalaki at lumapit na lang kay Miss Principal.
"Oh, nandito na pala kayo please take your seats first." nakangiting sabi ng principal.
Umupo din naman kami sa vacant chairs.
"Uhm miss principal, excuse us. Can we have our schedules now?" Tanong ko at ngumiti naman siya sabay abot samin ng isang papel at nakaulat doon ang schedule namin.
Wooh buti nalang parehas kaming apat ng schedule.
"But, before kayong pumasok sa mga classrooms niyo ito nga pala yung uniform niyo busy kasi ako mamaya so baka hindi ko na to mabigay kung mamaya ko pa ibigay sa inyo to. " inabot niya samin ang apat na kulay cream na blouse na may cravat na blue at maikling palda na kulay blue din, may mahabang kulay black na medyas pa talagang naka provide at yung P.E naming uniform.
"Ahh sige po Miss Principal, alis na kami and thank you din."
Ngumiti siya at nakipag shake hands.
"Walang anuman, and Tita Timothy nalang itawag niyo sakin."
"Okay. Sige po Tita Timothy alis na po kami." sabi ko at ngumiti.
Nag okay sign naman siya at tumingin narin ako sa apat na lalake, nahuli ko ang tatlo na nakatulala sakin and parang tutulo na ang mga laway nila kaya nag smile na lang ako sa kanila pero someone caught my attention ang lalaki na nakaupo na may headset pero nakayuko siya kaya hindi ko makita yung mukha niya kaya tumayo na lang ako at sinabihan na ang tatlong babae na lalabas na kami.
Nang narating na namin ang magiging classroom namin, di namin pinansin ang prof at naglakad lang kami palapit sa apat na vacant chair lahat ng estudyante napatigil sa kanilang mga ginagawa at tumitig lang samin hanggang sa makaupo kami.
"What?" inosenteng tanong ni Riley.
Nagbusy busyhan naman sila agad, magsasalita na sana ang prof. nang biglang...
*boogsh
Tumingin ako sa pintuan at nakita ko ang apat na lalaki pero nagulat ako ng nakita ko ang nakabunggo sakin sa mall, so kaya pala tago siya ng tago.
Well tingnan lang natin makakabawi na ako. *evil smile
Pero bakit ba sila tinitilian. Haish inaamin ko gwapo sila pero ang isa diya sa kanila wala namang respeto sa babae. Pweeh!
Aanhin ang looks kung walang respect diba?
BINABASA MO ANG
Sweetest Revenge
Fiksi Remaja[[HIGHEST RANK ACHIEVED #1 in TeenLife]] Imagine a world kung saan merong apat na babaeng palaban at amazona, at apat na lalakeng sikat at hinahangaan ng lahat.Magkakatagpo-tagpo ang landas at nang ikinasimula ng pagbago ng kanilang buhay. Nguni...