Chapter 46

662 28 1
                                    

Alex's P.O.V

"Dre gising na, dinner na laway mo oh." Bakit ba pati sa panaginip ko ang bully pa din ni dre Drake sa'kin.

"Dre gigising ka ba o hindi." Oh kita nyo na.

*Splaaaash*

*Boooogsh*

Awww a--ang lamig!!

"Dre naman problema mo!?"

"Ikaw.. Eh kanina pa kaya kita diyan ginigising, magbe-breakfast na tayo at ooops, wag ng magtanong oo di kita ginising kagabi, ge una na'ko." Pagpapaliwanag naman niya haayst, umaga na pala kaya pala galit na ang mga alaga ko, haaayst.

"Atsaka nga pala alam kong magsisisi ka mamaya na di ka gumising ng maaga," sabi pa niya with matching smirk sira talaga to.

Riley's P.O.V

*Boogsh

Napatingin kami sa pinanggalingan ng ingay at dun namin nakita si Alex na nakatayo at may mga basag na baso sa sahig.

"Oh, bro dahan dahan lang naman, na shookt ka ba hahak." sabi ni Lance na nakangisi.

"Yan kase kanina pa kita ginigising eh," sabi naman ni Drake na tumatawa pa.

Pero imbis na sumagot sya ay naglakad siya papalayo samin, papunta sa may dalampasigan.

"Ahhh, sige Troy kain ka lang, hahak tagal narin nating di nagkita ah," sabi ko nalang sa katabi ko.

"Hahak, sobrang busy eh."sagot naman niya.

"Suuus, baka busy sa gf mong possesive, hahak."sabi ko habang nakasmirk.

"Mukhang ganon na nga, busy sa pagsusuyo palagi sa kaniya haayst, kasi naman kahit na mga kaibigan niyang mga babae pinagseselosan din," sabi pa nyang natutuwa..

"Aheeem, aheem!!"

Napatingin naman ako kay Blare ng bigla siyang tumikhim.

"Ah, beshie Riles tawagin mo na nga yung si Alex, antagal na nya eh. Kakain na tayo oh."sabi niya.

"Eh pano kung ayaw ko?"

"Di ka makakapag swimming."

Waaah!! Sige na nga lang haayst bahala sila d'yan, naglakad na'ko palabas ng resto.

Napatingin ako sa may duyan malapit sa puno, nang may narinig akong tumatawa.

Araaay. Bakit ganto nararamdaman ko, bat parang ang sakit?

Nakita ko lang naman si Alex na may katawaang babae na kilalang kilala ko.

Pero di to pwede. Wala na, wala naman na diba? Diba wala na? Wala nakong nararamdaman sa kaniya kaya wala lang to, pagod lang siguro to sa kakahanap sa palakang to.

"Psst. Bilisan mo dyan kakain na daw!" sigaw ko nalang at naglakad na pabalik ng resto.

"Pahinga na muna ako,  sakit ng ulo ko papunta na si Alex dito. Ah, Troy bye na muna ah, hanapin mo na yung gf mo baka maghahanap yun ng bago hahahak byee," sabi ko pagpasok ko.

Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon