Chapter 19

958 39 0
                                    

Drake's P.O.V

Aaminin ko nasaktan talaga ako sa mga sinabi niya, all this time yun talaga ang tingin niya sakin na isang playboy na nilalaruan lang ang mga babae, pero tama naman siya, kaya lang hindi ako makapaniwala na sa kanya pa talaga nanggaling, at bakit ba ako nasasaktan, anyway this is just our revenge, pero naiinis talaga ako dahil pag nandiyan siya parati na lang bumibilis ang tibok ng puso ko, at pag wala naman siya parang gusto ko siyang makita.

Hays, nababaliw na at ako.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaisip ng kung ano.

Allisha's P.O.V

Ewan ko lang ah pero naiilang na talaga ako sa katabi ko nakaakbay kasi siya sakin.

"Mine tayo na diba, about dun sa cafeteria totoo lahat ng sinabi ni bro Drake, be mine." aniya.

Hanudaw! Nang nag sink-in na sa utak ko lahat ng sabi niya...

"Ligawan mo 'ko muna."

Nagulat ako ng may kasabay akong sumigaw at hindi lang isa dalawa pa napatingin ako sa kanila, sina beshie lang pala, at dapat ba sabay, nagtataka nako ha dahil parang ang bilis ata, at bakit sabay silang nagkagusto samin, haay nakaka stress sa bangs, ay wala nga pala akong bangs.

"Anything for you mine." saad ng katabi ko.

Napahikab tuloy ako sa antok, napansin niya siguro dahil bigla na lang niyang pinatong ang ulo ko sa balikat niya. Kaya natulog na lang din ako, wala na naman din akong magagawa dahil inaantok na talaga ako.

Napamulat ako ng may naramdaman akong tumapik sa balikat ko.

"Andito na tayo, mine." Nakangiti niyang sabi.

Nang nakababa na kami, pumunta na kami kina bessy na kasama din ang tatlong lalaki, pero napansin ko lang, parang hindi ata ngayon nangungulit si Drake kay bessy Blare, tapos ito namang si bessy mukhang ang lalim ng iniisip.

"Nangyari dito sis, may LQ ba?" Tanong ko.

Nagtawanan naman sila well except sa dalawang may LQ.

"Okay students please listen, because I won't repeat it again. Sa ngayon I'll group you na lang muna into two so each group has sixteen students then once I finished grouping you into two, group yourselves again into two groups so in each one group you also have two groups that should have eight members, okay let's start tge groupings. group one: Mike, Ellisa, Dell, Ellana, Carl, Denise, Audrey, Andre, Sophia, Stephanie, George, Loisa, Gerome, Christian, Cristine, and Kathleen so you may go to the East side then start grouping yourself into two team and choose a leader in the group, next group two: Drake, Blare, Riley, Alexander, Allisha, Ashton, Sheena, Vince, Dianne, Matthew, Karen, Luis, Cryssa, Franz, Ericka, and Felipe, you may go to the West side and do the same thing as the group one does, okay, go, go, go!" Sabi ni prof. samin.

Kaya pumunta na kami sa West side at nagsimula ng mag groupings, kasama ko sina sissy at ang apat na mga ugok. Nagtayo na kami ng malaki naming tent, and yeah if you're asking me, magkatabi kaming walo sa iisang tent at si Drake nga pala ang leader namin, ewan ko lang ah pero na pansin ko talaga, ang hina kasi ngayon ni bessy Blare na para bang malalim ang iniisip, para bang may mabigat na problema kanina ko pa siya tinatanong kong ayos lang siya kaso sabi niya okay na okay lang daw kahit parang hindi naman, she's bad at acting. Tsk, tsk, tsk, tsk.

"Uhhh, guys punta muna 'ko don ah," sabi ni bessy Blare na nakaturo sa ilog.

Tumango naman kami maliban na lang kay Drake, haaay malaki talaga siguro ang problema ng dalawang to.

Sana naman magka ayos na sila, they look so cute together kaya.

Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon