Riley's P.O.V
"SHEENA ANGELIE SANTOS!!"
Haayst si Blare yan mga dre. Pano ba naman eh, ito kasing si Sheena kanina pa hindi natatapos. Ano gawa nya?
Ayon nag aayos ng gamit, haays siya pa nga yung nagsabing dapat ready na lahat pag aalis na, tas siya pa tong hindi naka-ready?
May topak na talaga tong babaeng to eh, haaayst.
"Alright, Oo na besh just kalma lang nga there, sige ka d'you want to look haggard when dre Drake punta here na?"
See!? Sasabat pa talaga siya.
"Wooow, Sheena anong punta here na? Eh kanina pa yung mga yon andito eh ikaw nalang talaga iniintay besh," Haha, ayaw din nitong paawat ni Beshie Blare eh.
"Oh sya, oo na kayo na tama na yan baka mag rambolan pa kayo d'yan eh, hakhak pizyow!" Yan na pinatahimik ko na baka kasi magaway pa tong mga to.
"Yes na nga eh I'm tapos na, kaya lezgoow!" Kita niyo na? Sira na talaga tong si Sheena.
Haaayst sa wakas, andito na kami sa kanya kanya naming upuan, kaya lang feeling ko etong driver nato may makabuluhang gagawin, eh pano ba naman sya nag-arrange samin tas langyaaa, myghad ginigigil niya na ako ah. Eh ito kasi yung arrangement namin.
|Drake| . |Blare|
|Sheena . Vince|
|Allisha . Ash. |
|Ako . Alex |
Haaayst, van kase dala namin, ayy este ni driver Drake pala, hakhak.
Mamaya talaga yon sak...... AYY PALAKA!!
Juskooo naman, bwiset 'tong si Alex the Palaka, haaay nako. Di manlang nya naisip na mabigat yung ulo nya? Eh anliit ko kaya haaayst.
"Alex ang ulo mo, masakit sa balikat ko a-aaraay!!" jusko naman oh, ambigat talaga mga beesh.
Haaayst, mabuti naman narinig nya siguro ang pag aray ko kaya sya napaupo ng maayos, humayghaad hang hot nya mga beshh gulo gulo kase yung buhok nya wait, what the heck! Hoooy, di ko yun sinabi ah, hooy readers wala akong sinabi ah...
HAAAAAAY, inaantok na'ko.
Napatigil ako sa pag stretch ng may tumapik sa balikat ko, si Alex lang naman pala.
"Oh--- Ahhhm, Alex m-may kailangan ka ba?" tanong ko sa palakang to, eh pa'no ba naman ang lapit na ng mukha namin.
Pero imbis na sagutin yung tanong ko, hinawakan niya ang ulo ko at pinatong sa balikat nya.
"Matulog ka na, mahaba pa ang byahe natin." walang gana niyang sabi sa'kin.
Haaaayst, confirmed. Galit pa nga ang lokong palaka.
"Ahmm okay, thanks."sabi ko nalang at pinikit na ang mga mata ko.
Pero bago ko mapikit ng tuluyan ang mga mata ko, narinig ko pa syang may sinabi pero di ko maintindihan.
Alex's P.O.V
"I miss you Riley, I miss you so damn much." bulong ko ng tuluyan na syang napapikit.
Kahit nagbago sila, alam kong siya pa rin ang minahal at mamahalin kong Riley.
"Alex, alex. Andito na tayo!"sabi ng tumatapik sa mukha ko.
Amoy pa lang nya alam ko na kong sino to.
Kaya binuksan ko na ang mga mata ko at nginitian ang gumising sakin.
Pero yan na naman siya sa kakasimangot, haaayst ang cute talaga nitong babaeng to. Ang sarap kurutin.
"A--araaay... Bw*s*t kang
Alex ka!""Hakhak, sorry na baby..." Oooppss, wrong move ata ang pagsabi ko.
Nauna na siyang umalis na hindi dala ang mga gamit niya. Haaayst, ako na ngalang magdadala ng mga 'to.
"Oh, Alex bat nasasayo ang mga dala ni beshie Riley?"tanong ni Blare.
"Yieet, muling ibalik na ba ah, hakhak." sabi pa ni Allisha.
Kaya ayon, napatawa na silang lahat pero ba't parang kulang...
"Uyyy, si Riley ba hinahanap mo dre andun oh." sabi ni dre Drake ng nakangisi.
Sinundan ko ang tinuturo niya at napamura na lang ako ng malutong sa isip ko ng nakita ko si Riley na naguusap at nakikipag tawanan sa lalaking mukhang unggoy.
Haaayst, bala na nga siya dyan sa mga dala nya.
"Drake, nasaan na ba yung room dito," cold kong sabi.
"Wait lang naman dre, oh eto na nga mang aasign nako." sabi naman niya.
"Okay...Wifey at Riley room 138 kayo, Allisha at Sheena room 139 kayo, Dre Alex room 108 tayo katapat ng kina Wifey, Lance at Vince room 109 kayo katapat ng kina Allisha." sabi nya sabay abot ng mga susi samin.
Nang nakarating na kami sa kwarto namin, humiga na'ko agad dala narin ng pagod.
BINABASA MO ANG
Sweetest Revenge
Novela Juvenil[[HIGHEST RANK ACHIEVED #1 in TeenLife]] Imagine a world kung saan merong apat na babaeng palaban at amazona, at apat na lalakeng sikat at hinahangaan ng lahat.Magkakatagpo-tagpo ang landas at nang ikinasimula ng pagbago ng kanilang buhay. Nguni...