Special Chapter> 2

603 30 1
                                    

Alexander's P.O.V

Andito kami ngayon sa paborito kong cottage.

Pero si Riley lang yung nakaupo dahil nakahiga ako sa paa niya.

Gets niyo? Kung hindi, problema niyo na yan.

Ang seryoso niya.

Nagbabasa kase siya ng wattpad, idagdag nyo pa yung suot niyang headphones, ang cute niya talaga as always.

Dahil wala akong magawa, may naisip akong kalokohan.

"Baby ko," pa cute kong sabi.

Pero mukhang di niya ako narinig.

"Baby ko, Babyyyyy!" pangkukulit ko pa.

"BABYYY KOOOOO!!" sigaw ko.

*Paaaak

*Tss.Wow.Just.Wow." Sabi ko sabay tayo.

"Uuuy, Aleex sandali!"sigaw niya.

Eto na nga ba yung kinakatakotan ko eh.

Yung mawalan ako ng halaga sa buhay niya.

Di ko namalayan na may tumulong luha na pala galing sa mga mata ko.

Kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Aaaaah!!" sigaw ko.

Di ko dapat nararamdaman eh. Alam ko namang mahal niya ako pero natatakot pa din akong mawala siya uli.

Napaluhod nalang ako sa kakaiyak.

Nabigla ako ng may biglang yumakap sakin patalikod.

"Alex, haayst ang bilis mong maglakad." pero di ako nagsalita.

"Sorry," sabi niya.

"Uyy, sorry na." sabi niya.

Naramdaman kong bigla siyang tumayo.

"Alex nama---"

Di niya natapos ang sasabihin niya ng  nakita niya ako.

Biglang nanlaki ang mata niya sabay dali dali akong yinakap.

"Uy, masakit ba ah? Sorry na. Sorry... Uy, tama na Alex shh sorry na." di mapakali niyang sabi.

Pero nabigla ako ng hinalikan niya ng paulit ulit yung parte ng mukha ko kung saan nya nasampal.

"Alex sorry na oh. Sorry na, Baby." sabi niya.

Pero imbis na sumagot tumayo ako.

"Tumayo ka."

Di sya sumagot, at nakayuko lang siya.

"Riley. Isa, sabi ng tumayo ka na eh!" sigaw ko.

Tss.

Tumingin siya sakin. At ngayon ko lang napagtanto na umiiyak na pala siya.

"Sorry na baby oh*huk*." sabi niya at patuloy paring umiiyak.

Bigla ko siyang hinila at niyakap dahil sa gulat.

"Sorry na." Nanghihina na yung boses niya.

"Shh. Okay lang, stop now. Ang daya umiyak ka na naman eh," sabi ko.

"Sorry."sabi pa din nya.

"Shh. Okay na baby pero mukhang mas gusto ko yung halik mo kanina...Isa pa nga!" pagpapagaan ko ng loob niya.

Tinawanan niya lang ako tsaka binatukan.

"Sorry uli baby, I love you." sabi niya.

Ella naman, papatayin talaga ako nitong babaeng to eh.

"I love you more baby ko~" sabi ko sabay halik sa noo niya.






Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon