[A/N]- Hi! It’s my second story here in wattpad. I’m hoping that you’ll support my written story. Please don’t hesitate to write your comments about the flow of story it is appreciated to know your reactions .SALAMAT! Sana ay matuwa kayo sa kwentong ito na likha lamang ng aking tamad at HINDI inspired na isipan
P.S- Hindi ko po alam kung hanggang ilang chapters ito basta medyo mabagal ang pag-update pero don’t worry kada-update ko ay 2-3 chapters naman para hindi bitin ;))))
*********************
“Love waits no matter what happen if both of you are destined to each other. So don’t waste your time crying at the corner of your room. Why don’t you try doing something to show how much you love him?”
“Ahmm, Mr. Dj?”
“Why Maxine?”
“I want to know… ahmmm who you are”
“Yes, Im….”
(Ayan na konti na lang malalaman ko na… Please????? Walang E-EPAL!)
“Hoy, Maxine??? Maxine????”
(Huh? Sino yun?)
“Mr. DJ???”
“Mr. DJ ka pa jan ah! Ewan ko na lang”
(Bakit ganun boses niya? Naging babae?)
“Aaarrghh, aray!”
“Ayan, may pa-Mr.mr DJ ka pang nalalaman, gumising ka na nga! Baka nakakalimutan mong may pasok ka pa!”
Napatulala lang ako ng makita ko ang ate ko na nakatayo sa harapan ko at sinabing malelate na daw ako sa klase dahil dun kumaripas ako ng takbo at dumiretso papuntang c.r.
Habang nasa c.r iniisip ko pa rin yung panaginip ko muntik na , muntik ko ng malaman kung sino siya bwisit kasi yang ate ko na ‘yan! Ang laking EPAL sa mundo sarap bugbugin ng pang Fernando Poe!
“Kainis naman si ate eh, istorbo, pero salamat na rin at ginising niya ako…tssss”
Pagkatapos kong makapag-ayos ng sarili para sa pagpasok ko sa school bumababa na ako sa kusina at syempre tumambad sa’kin ang mukha ng EPAL kong ate na tinitignan ako ng tingin na WHAT-ARE-YOU-LOOKING-AT?
“Psh!”
Yan na lang nasabi ko sa kanya at lumapit ako kay mama para mag-good morning kiss, syempre napaka-SWEET ko kayang anak!
“Oh, Maxine bilisan mong kumain ha at male-late kana sa school, first day niyo pa naman and… ”
Hindi pa tapos ang sinasabi ni mama ng biglang sumingit nanaman ang magaling kong ate.
“Yes, mama at FOURTH YEAR na siya kaya dapat niya pang galingan para ma-maintain niya ang pagiging FIRST HONOR”
Grabe talaga tong ate ko “Psh!” kung hindi ko lang talaga ate to baka… hmp ‘wag na nga kahit ganyan yan alam kong PROUD sa’kin yan dahil consistent ang pagiging first honor ko at diniinan pa niya talaga no? napaka-lambing at totoo ang mga narinig niyo 4th year na nga ako hmp wala lang pinapaalam ko lang hahaha.
“Hoy, bilisan mo nga diyan sa pagkain mo male-late ka na, panay kasi ang pakikinig sa radyo eh kulang na lang ipasok niya ang sarili niya dun” (ATE MINA)
“TSE! Maka-alis na nga!” (AKO)
“Sige ingat anak ha!” (mama)
“Opo ma, salamat” (AKO)
Buti pa si mama napaka-bait sa’kin kung nandito lang sana si papa nasa Dubai kasi siya at engineer siya dun syempre proud daughter naman ako hehe. ^__^
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a DJ [Completed]
Teen FictionIsa akong babaeng inosente sa larangan ng pag-ibig. Wala akong pangarap pagdating sa salitang pagmamahal. Dahil isa lang ang taong nagparamdam sa akin kung ano ba ang salitang pagmamahal. Walang iba kundi ang DJ na lagi kong pinakikinggan gabi-gabi...