Chapter Fourteen

218 12 1
                                    

Chapter Fourteen

“Hays, ambilis naman ng araw! Bukas uuwi na rin tayo” sabi ni Mike habang nag-iinat iinat pa.

Nandito kami ngayon sa labas ng mga tents namin at gumawa ng bonfire habang nagto-toast ng marshmallows, binigyan kasi kami ng free time ng mga organizer para makapagbonding kasama ang mga friends namin matapos ang madugong obstacle course kanina! Lesheng obstacle course yan! Ang hirap gumapang sa putikan grabe! Kasama na rin namin si Kean total kawawa naman at loner siya. Pero pansin ko lang bakit parang ang tahimik nilang dalawa ni Lea? Kanina pa sila ganyan eh. Ano naman kayang nangyari diyan?  Huwag ko na ngang isipin.

Aaminin ko man sa aaminin talagang inaamin ko na medyo naiilang pa rin ako kay Mike dala na rin siguro nung nangyari kagabi. Pilit kong kinakalimutan ang mga nangyari para na rin sa ikakapanatag ng loob ko para mawala ang pagka-ilang ko sa kanya kasi feeling ko nakalimutan na niya ang nangyari napaka daldal niya pa rin kasi eh. Siguro wala lang talga yun, wala para sa kanya. . . . pero pag ako ang tatanungin may ibig sabihin.

“Laro tayo!” biglang nagising ang diwa ko ng biglang sumigaw si Gia. Lakas talaga ng boses nito.

“Oo nga, magandang idea yan!” isa pa tong Mike na to. Parang nakalunok ng megaphone.

“Ano namang lalaruin natin?” pagtatanong ko sa kanila. Curius lang.

“Spin the bottle!” (Gia)

Spin the bottle? Di ba parang pang truth or dare ata yun ah! Naku wag na! Ako na KJ! -_-

“Huwag na yun” pagoobject ko sa kanila, sabay hand gestures pa.

“Ang KJ mo!” hiyaw ni Gia.

“Sige yun na lang mukhang maganda yan” nagsalita na si Loraine kaya mukhang walang gustong umangal.

“Yup! Ako din!” sabi ni Kean sabay taas pa ng kanang kamay na nagpapakita ng pag-sang ayon niya. Ganun din silang lahat. Fine! Talo na ko! -_-

 Nanguha na sila ng bote ng softdrink. Nakapaikot kami ngayon anim lang naman kami kasi yung iba may kanya-kanya silang monkey business. Katabi ko ngayon si Mike sa kanan ko at si Gia sa kaliwa ko. 

Loraine

Mike

Ako

Gia

Lea

Kean

Yan ang arrangement namin kaso pa-ikot lang so magkatabi si Kean at Loraine. Basta imagine-in niyo na lang na bilog yan haha.

“Ako ang mag-iikot muna nung bote! Truth or dare to ah! Walang aangal diyan! Ang umangal isasako ko tapos ilulublob ko sa putikan tapos ipapagulong ko sa asin tapos ihuhulog ko sa bangin tapos-”

Hindi na namin pinatapos pa si Gia dahil ang brutal ng mga iniisip niya hysss. Magpapaikot na sana siya ng biglang dumating si Allen. Kumunot naman ang noo ni Gia hahaha affected much?

“Bat nandito ka?” halla bakit kaya? haha

“Masama bang makisali? Piggy?” Hanoh dhaw?? PIGGY?? Si Gia? Gosh! Chubby nga si Gia pero hindi siya ganun kataba! In fact ang ganda ganda niya nga eh. Nakita ko namang sobrang naiinis na siya.

“SINONG PIGGY? PALIBHASA LAMPAYATOT KA!” halla nagalit na talaga!

“Sinong payat? Nabuhat nga kita di ba? Tsk! piggy” hahaha ka-cute nilang tignan na dalawa hahaha

“Hoy magsitigil na nga kayo diyan! Sige Allen Sali ka na the more the merrier!” hirit naman ni Lea, ayiieehh nakakahanap na ng katapat ang mga besty ko! Eh si Loraine? Imposible namang si Franz eh may Donna na yun eh. Eh ako? Naku naman! Erase. Erase!

I'm in Love with a DJ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon