Chapter Nine
Maxine’s POV
“YES!” sabay na pagkakasabi namin ni Mike matapos naming masagutan yung FINAL and DIFFICULT question na siyang nagpanalo sa amin at napa-hi-five naman kaming dalawa dahil sa tuwa.
“Congratulations! I know that you can both do it” masayang bati sa amin ni sir Rodriguez na siyang tumayong coach namin ni Mike.
“Thanks sir!” sabay na sabi namin ni Mike.
“Oh-My-Gee! Besty! Congratulations sa inyo ni Mike!” sabi ni Gia at sabay na yumakap sa akin.
“Pwede na kayong mabansagang HALIMAW SA TALINO ni Mike niyan eh, kayo na talaga!” hirit naman nitong si Lea. Pansin kong parang may kulang.
“Asan si Loraine?” tanong ko sa kanila habang inaayos yung collar ng uniform ko si Gia kasi wagas kung makayakap.
“Ah wala siya besty eh umuwi kanina may emergency daw kasi eh alam mo naman yun” sabi ni Gia na may medyo maarteng accent pa rin pero bakas pa rin sa mukha ang pag-aalala maarte lang yan pero pag nakilala mo siya hindi mo ineexpect na napakasarap pala niyang makasama.
Oo nga pala may sakit yung mama niya at anytime pwedeng mabawian ng buhay yung mama niya kaya hinahayaan lang namin siya na magtaray o kaya naman mag-emo sa mga panahong kasama namin siya hindi mo rin kasi masisisi eh. Kaibigan namin siya kaya iniintindi namin ang kalagayan niya ang hirap kaya nun kaya hindi namin pinaparamdam sa kanya na nag-iisa lang siya dahil nandito kami.
“Tara na lang mag-celebrate ng Victory ninyo ni Mike!” ayan nanaman ang idea nitong si Lea hindi na lang inisip na kami nagsasaya pero yung isa naming kaibigan eh andun naghihirap ang kalooban.
“Eh pano yan? Kulang kaya tayo no, alangan naman magsasaya tayo eh wala si Loraine” sabi ko sa kanila.
“Sinong wala”
Paglingon namin sa likuran ay nakita namin si Loraine na nakatayo kahit kailan talaga napakaSilent kaso HARD kung magsalita yang si Loraine but we still love each other attitudes.
“Oh Loraine! Bakit bumalik ka na? akala ko ba may emer-” hindi na natapos sa pagsasalita si Lea dahil sumagot na si Loraine agad.
“Ok na rin naman daw sabi nung doctor” at nagpilit na ngiti nanaman siya ramdam naming may pinagdadaanan siya ngayon kaso ayaw naming ipahalata.
“So paano? Dun nalang tayo sa house namin!” pags-suggest ni Lea sabagay siya namang nag-aya eh kaya sige pumayag na lang kami.
Habang naglalakad palabas ng auditorium kung saan kami nakipag-quiz bee itong epal na Gia may pinaalala nanaman.
“Oh My Gee, Maxine oh look”
Ano naman kayang problema nito? Unti-unti kong nilingon kung sino ba yung tinutukoy niya.
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a DJ [Completed]
Teen FictionIsa akong babaeng inosente sa larangan ng pag-ibig. Wala akong pangarap pagdating sa salitang pagmamahal. Dahil isa lang ang taong nagparamdam sa akin kung ano ba ang salitang pagmamahal. Walang iba kundi ang DJ na lagi kong pinakikinggan gabi-gabi...