Chapter Twenty Eight
Maxine’s POV
“Sige anak, mag-iingat ka dun ah? ‘wag masyadong magpapagabi”
“Opo tita, ako na pong bahala dito kay Maxine” tinignan ko na lang ng masama si Gia dahil sa kung anu-anong sinasabi niya nanaman sa akin. Psh humanda ka mamaya dahil tatanungin kita tungkol sa inyo ni Allen muwahahaha
“Sige po ma, pano mauna na kami ni Gia” saka ko na siya hinila palabas ng bahay namin.
“Ano ba Maxine, atat much? Kailangang manghila ganon?”
“Hindi, inilalayo ko lang si mama sa bunganga mong hindi mapigilan sa pagputak”
Saka ko na siya hinila papasok sa kotse nila. Tama kayo ng narinig, sabay kami ni Gia ngayong pupunta kila Mike dahil siyempre nakakahiya kaya. Puro mga kilalang tao ang nandun, panigurado pang baka nandun din ang parents ni Mike. Mga mayayamang tao ang makakasalamuha namin samantalang ako isang pipichuging nilalang ay makakadalo sa ganoong klaseng engagement party ng kuya ni Mike.
Habang nasa biyahe tahimik lang si Gia na nagtetext. Sino naman kayang katext niya? ‘wag mo sabihing si?
“Hoy, Gia ang tahimik mo naman” habang pasimple na tumitingin sa screen ng cellphone niya. Agad niya naman itong itinago.
“Ah. . .ano ‘yun?”
“Umamin ka na Gia, alam ko na” saka ako ngumiti ng malawak sa kanya. Pansin ko naman ang tila pagpapawis ng noo niya. Hahaha, huli ka talaga sa akin.
“W-wala, a-anong sinasabi mo?” hindi siya makatingin sa akin ng diretso.
“Kayo na ba ni Allen?”
Agad ko namang nakita ang paglaki ng mga mata niya. Hindi niya siguro inaasahang alam ko na ang tungkol sa kanila ni Allen dahil sa kuya niya.
“Allen? Haler? B-bakit naman magiging kami? Saka si Allen? Never nuh”
“Hays, umamin ka na girl, alam kong nanliligaw na siya sa’yo kaya ‘wag ka ng mag-inarte diyan, sure ako sa source ko no”
“At sino naman ‘yang wrong detailed na source mo? Aber?”
“Hmm, let me say si Kuya George”
Nakita ko naman ang malaking pagkagulat niya sa sinabi ko. I GOT YOU GIA! Hahahaha
“Ano? Bakit wala kang masabi? Umamin ka na kasi sa akin Gia alam ko namang nanliligaw na talaga siya sa’yo eh saka friends naman tayo no kaya ok lang ‘yan“
Naramdaman ko namang napabuntong hininga siya.
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a DJ [Completed]
Teen FictionIsa akong babaeng inosente sa larangan ng pag-ibig. Wala akong pangarap pagdating sa salitang pagmamahal. Dahil isa lang ang taong nagparamdam sa akin kung ano ba ang salitang pagmamahal. Walang iba kundi ang DJ na lagi kong pinakikinggan gabi-gabi...