EPILOGUE

218 14 0
                                    


EPILOGUE

Sabi nila kapag nagmahal ka masasaktan ka. Pag nagkataon, bibigay ka. Susukuan mo ang isang tao kapag nasaktan ka niya ng sobra. Pero sa sitwasyon ko, kahit nasaktan man ako dati ng isang tao nagawa ko pa ring magpatawad dahil sa kagustuhan ng kalooban kong kumawala sa sakit at bigat ng nararamdaman ko.

Dalawang taon na ang lumipas at 2nd year colloge na ako. Sa dalawang taong ‘yun ay sobrang daming nangyari sa buhay ko at nakakapanibago lang dahil hindi ko inaasahan na magmamatured din pala ang isip bata kong isipan dati nung high school.

Tama nga si ate Mina dahil ibang iba ang high school sa college pero masasabi kong depende pa rin ito sa taong humahawak ng kapalaran niya.

Sa kagandahang palad ay ako ang tinanghal na class Valedictorian nung high school at sobrang saya ko nun. Tumakbo ng normal ang buhay naming lahat gaya ng dati. Wala ng ilangang naganap sa pagitan namin nila Mike at ang sarap ng feeling pero minsan ang awkward lang dahil kapag naaalala kong sinabi na niya sa akin na …. Mahal niya daw ako.

Naglalakad ako ngayon papuntang library dahil magsesearch ako para sa feasibility study ko. Dito pa rin pala ako sa MEU nag-aaral dahil na rin sa full scholarship na bigay nila sa akin bilang class valedictorian. I am now taking my premed course which is BS Biology. Yes, magdudoktor ako dahil pangarap ko ‘yun dahil na rin siguro sa nalaman kong may sakit pala si papa.

Nung graduation nung umuwi siya, pansin ko ang pangangayayat niya. Kahit na ngumingiti si papa alam kong may iniinda siyang sakit pero ‘di niya pinapahalata. I love my father so much.

Habang nakaupo ako at nagbabasa ay biglang dumating si Sam. Dito rin siya nag-aaral taking up Architecture.

“Oh Sam” sabi ko

“Hi Maxinne, hanggang ngayong college napaka-studyholic mo pa rin” tatawa tawa niyang sabi.

“Hindi naman, urgent lang talaga tong research na ‘to”

Naalala ko tuloy dati nung high school ako na sobrang crush na crush ko si Sam dati. I smiled the fact that I’m such a fangirl of this guy.  Pero tignan mo nga naman ngayon, wala na ang nararamdaman ko para sa kanya at bilang isang matalik na kaibigan na lang.

Habang nagtatawanan kaming nag-uusap biglang dumating si Nina at nilapitan si Sam.

“Hun, andito ka pala. Bakit ‘di ka nagrereply sa text ko ha?”

Napatawa naman ng mahina si Sam dahil sa inasta ni Nina at ako naman medyo napangiti rin.

“Ano ka ba naman hun, sorry na naiwan ko sa locker ‘yung phone ko” saka siya hinila ni Sam at pinaupo sa lap niya. 

“Ehem” pagbabasag ko sa landian nilang dalawa.

“Ay, sorry Maxine, ito kasing si Sam eh!”

“Ako pa talaga ha? After college humanda ka dahil magpapakasal na tayo at wala ka ng takas sa akin nun”

“Ang ingay mo baka pagalitan tayo ni Mrs. Perez nito eh!” saway naman ni Nina.

“Sige, love birds mauna na ako” tatawa tawa kong pamamaalam sa kanila. Ngumiti na lang sila sa akin pabalik.

Hay buhay! Biruin mo ba naman na ang fiancé ni Nina dati na naging dahilan kung bakit niya hiniwalayan si Sam ay si Sam din mismo? Napakamapaglaro talaga ng tadhana at sobrang masaya ako sa kanila dahil bagay na bagay sila dahil ganun ata talaga kapag nakadestined kayo para sa isa’t isa.  Dadaan muna kayo sa butas ng karayom bago maatim ang kaligayahan.

I'm in Love with a DJ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon