Chapter Twenty Two

164 9 0
                                    

[A/N: Sa chapter na ito ay ipapakilala ko lang sa inyo ang tatlong freshman brothers ng mga kaibigan ni Maxine, may isusulat rin kasi akong story nila SOON, next update na lang ang puro sila Maxine, Mike and Sam ang updates ko, feel ko lang sila I-extra hahaha, kaya Short ud lang po ito]

* * * * *

Chapter Twenty Two

Mike’s POV

Kanina pa namin inaantay si Maxine. Bakit kaya wala pa siya? Tapos ngayon si Gia naman ang nawawala?

Bigla na lang akong nagulat sa nakita ko. Si Maxine, inaalalayan ni Gia papunta dito sa amin.

Shit! Anong nangyari sa kanya? Nawala lang saglit tila lantang gulay na pagbalik dito?

“Oh my God! Maxine? Kanina lang nung nagkita tayo ok ka pa, pero what happen to you?” sabi ni Lea na bakas sa mukha na sobrang nagulat. Kahit ako din, gulat.

Hindi ako nakapagpigil pa at agad na tumayo at ako na lang ang nagprisintang alalayan si Maxine.

Ano ba kasing nangyari sa’yo Maxine? Napakalampa mo talaga kahit kailan. Tsk.

Hindi na ako nakapagpigil pa at nasermunan ko pa. “Ano bang ginawa mo at nagkaganyan ka?”

“Oo nga!” dagdag ni Lea.

Tumingin si Maxine kay Gia. Pero si Gia naman ewan parang tanga na ngumingisingisi. Ano ba talagang nangyari?

Nakita kong huminga ng malalim si Maxine saka siya nagkwento tungkol sa nangyari.

Matapos ko marinig lahat ng kwinento niya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib ko. Hindi ba ‘to epekto ng ininom kong soya milk?

Ay, tanga ka lang talaga Mike! Malamang sa sinabi ni Maxine. Am I jealous?

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla na lang akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Parang napakalaking BARA sa tenga ang mga naririnig ko ngayon. Naglilinis naman ako ng tenga ah?

“Sige may pupuntahan pala ako. . .maiwan ko na kayo ha?”

“San ka pupunta Mike?” -Lea

“Ah, sa library lang, may kukunin. . .mauna na kayo sa room, bbye!”

Shit! Anong gagawin ko sa library? Halatado ka na Mike! Malala ka na talaga! (-_-+)

Maxine’s POV

Pagka-alis ni Mike ay agad na rin kaming pumuntang room. Nakakatamad na rin kasi tumambay sa canteen. Nauubos pera ko kakabili ng kung anu-anong pagkain. Kaya ako tumataba na eh. Pansin din ni ate Mina. Tsk.

Naglalakad kami sa may hallway ng makasalubong namin ang tatlong freshman brothers ng tatlong kaibigan ko sina Krei, Greg and Louie. Pansin ko lang, nagtitilian lahat ng mga babae pag dumadaan sila? Hays, ang ggwapo naman kasi eh. Hays Maxine, child abuse na ‘yan. >.<

“Hoy, Krei! Bakit naglalakwatsa ka ha? Wala ba kayong klase?” pahiyaw na sabi ni Lea kay Krei, kapatid niya.

“Oo nga , isa ka pa Greg, para kayong siga kung dumaan, ang hangin eh halos mailipad na palda ng babaeng dadaanan niyo” dagdag pa ni Gia. Ano pa bang bago? Ganyan nila sigawan mga kapatid nila maliban kay Loraine na pa-cool lang kay Louie.

“Ang ingay-ingay mong piggy Gia ka! Kayo nga bakit kayo nandito? tsk” –Greg

“FYI, papunta na kaming classroom, kayo talaga dapat tanungin, bakit kayo nandito sa bulding ng Juniors and Seniors, huh?”- Gia

Bigla namang natahimik si Greg at Krei at sabay na napatingin kay Louie na nasa gitna nilang dalawa. Oo nga anong ginagawa nila dito?

“Louie?” sabay-sabay na sabi naming tatlo except Loraine na seryoso lang na naka-crossed arms pa.

“Why Louie?” ayan na nagsalita na si Loraine.

“It’s nothing ate” at hindi makatingin ng diretso sa mga mata ni Loraine. Iniiwasan niya na titigan si Loraine sa mata dahil paniguradong hindi ka makapagsisinungaling. May black magic ba ‘tong si Loraine at napapaamo lahat? Well, except for Mike.

“Then the three of you should go back to your rooms” sabi ni Loraine.

Agad naman na tumalikod silang tatlo. Maglalakad na sana sila ng biglang napahinto at tila nagulat sa nakaharap nila. Napatingin naman kami kung sino ba ‘yun at tila na-estatwa sila.

Pagkakita namin ay nakita namin si Casey, isang 3rd year high school na kilala din sa campus bilang CAMPUS SWEETHEART ng MEU.

Parang Miss Perfect kumbaga. Matalino, maganda, mabait, mayaman at hindi mapang-mataas. Kilala ko siya dahil isa siya sa lagi kong nakakasama sa mga quizbee contest bilang representative.

“Hi ate!” nakita kong kumaway si Casey at nakatingin siya sa akin kaya kinawayan ko din. Napansin ko namang nginitian niya lang si Louie at yung dalawa. Pagkatapos nun ay nagpaalam na siya para pumuntang room niya.

Habang ‘yung tatlong freshman brothers ay nakatayo pa rin sa kinatatayuan nila.

“Hoy? Galaw-galaw din pag may time” biglang binatukan ni Gia si Greg at bigla itong napakamot sa ulo saka tumakbo paalis ganun din sila Louie at Krei.

Pagkaalis nila ay agad naman kaming nagtawanan. Mga bata pa nga sila. Oops nagsalita ang immature! Tsk!

Habang naglalakad nag-uusap kami sa nangyari kanina. First time kasi namin silang nakitang ganun. ‘yung na-estatwa sa harapan ng isang babae.

“Sino sa tingin niyo ang may gusto dun kay Casey?” tanong ni Lea na kanina pa natatawa.

“Imposibleng si Greg, may Andrea na ‘yun, ‘wag niyo nang tanungin kung paano ko nalaman, hahaha”

“Loko talaga ‘to, ‘di kaya si Louie?” tanong ko sa kanila.

“Mukha nga” sabi naman ni Gia.

“Yeah, its obvious”- Loraine

“Paano naman ‘yung kapatid ko?”- pagmamaktol ni Lea nagpout pa ang bruha haha.

“Hays, hayaan mo na silang magasikaso sa lovelife nila, kaya na nila ‘yun, ikaw nga ‘di mo pa rin ayos ‘yang kay Kean mo eh” haha tama naman si Gia. Oo nga no? ano na bang status nila ni Kean? Back to normal nanaman kasi sila eh. Hindi na nagkikibuan.

“Ah w-wala, hayaan niyo na ‘yun wag na natin pag-usapan” –Lea

“Sabagay. . .” –Ako

“Wait, si Mike ba ‘yun at Nina?”  -Gia

Napatingin naman kami sa direksiyon na tinuro niya. Totoo nga magkasama sila ni Mike sa may bench sa ilalim ng puno. Ano naman kayang pinag-uusapan nila?

“Oo nga no? at kasama pa si Nina? Ano na bang nagyari sa mundo ni Mike at pinansin si Nina?”- Lea

“Nagkaholding hands pa!” –Gia

Bakit magkahawak kamay sila ni Mike? Tila may sinasabi si Mike kay Nina at nakahawak ito sa kanang kamay ni Nina na tila nagsusumamo. Bakit? Anong meron?

I'm in Love with a DJ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon