Chapter Forty

188 13 0
                                    

Chapter Forty

Maxine’s POV

Makalipas ang napakahabang vacation namin at eto na nga pasukan nanaman namin. Hays ang bilis talaga ng araw! Maaga nga akong nagising ngayon dahil hindi ako makatulog kagabi, ‘yun bang parang kinakabahan akong pumasok sa school, feeling ko kasi parang may mangyayaring hindi maganda. De joke lang, feel lang ‘yun no!

Matapos kong magbihis ay bumaba na ako at nadatnan ko si mama na nag-priprito pa ng tuyo at sobrang bango nakakagutom tuloy. Mukhang nabigla naman si mama dahil ang aga ko ata nagising.

“Oh anak, ang aga mo ata”

Lumapit ako kay mama saka ko siya niyakap sa likuran niya.

“Opo ma, ilang buwan na lang din kasi graduation ko na at pagkatapos nun ay college na ako kaya dapat ko ng sanayin ang gumising ng maaga”

Bigla namang napatawa si mama sa sinabi ko. Ano namang nakakatawa dun?

“Anak, magkaibang magkaiba ang college sa high school. Tignan mo ‘yang ate mo, hindi naman siya maaga kung gumising ‘di ba?”

Pansin ko nga si ate, hindi siya maaga kung pumasok pero kung umuwi gabi naman na.

“Kapag college ka kasi, ikaw ang bahalang mamili ng schedule mo hindi gaya pag high school ka, depende sa mga subjects na available. Minsan pa nga may pagkakataong ang pasok mo maaga pero iisa lang ang subject mo kaya maaga ka ring makakapasok” nabigla ako dahil sa napakahabang speech ni mama. Aba! Mukhang nakakaramdam na ata ng ending si mama kaya dumadialogue na!

“At saka, anak sa college kahit isa o dalawa lang subject mo sa isang araw pag nagreview ka naman aabutin ka ng madaling araw dahil kapag bumagsak ka uulitin mo ‘yun o kaya naman minsan susukuan mo ang course mo kaya magshishift. Kaya maraming matanda na kung grumaduate ng college. Pero anak, ako tiwala ako sa katalinuhan mo” dagdag niya pa.

Tanging ngiti na lang ang sinagot ko kay mama. Ano pa bang sasabihin ko? E sa nag-speech na siya eh! Saka, pagbibigyan ko na si mama. Mahal na mahal ko kaya siya.

Tinignan ko ‘yung wrist watch ko at 7:00am na. 7:30am pa naman ang umpisa ng klase kaso minabuti ko ng pumasok total 15-20minutes pa naman ang biyahe ko ng jeep eh sakto lang ang dating ko.

Pagkababa ko sa school pansin kong andami na agad estudyante, infairness himala ata at maraming maaga ngayon?

Hindi ko na lang ito pinansin at sa halip ay pumasok na akong gate. After kong magswipe ng i.d ko ay bigla ba naman may estudyante mula sa grade one ang tinapunan ako ng chuckie sa damit ko! Hays, ang ganda ng umaga ko ha? Hindi ko naman magawang sigawan dahil bata. Nagsorry naman ito pero hinayaan ko nalang.

Hays, bakit ang malas ko ngayon? Naglalakad ako patungong locker ng biglang may tumabig sa akin kaya muntik na akong ma-out balance sa kabutihang palad ay may nakasalo sa akin.

Kumabog ng mabilis ang dibdib ko sa lalakeng nakasalo sa akin. Hindi dahil sa sparks kundi dahil sa kaba. Kabado ako dahil hindi pa ko handang kausapin sila ng pinsan niya at hindi ito ang tamang eksena para ma-approach ko siya.

“S-sam” sabi ko habang umaayos ng tayo. Akala ko iiwasan niya ako pero nagulat ako ng bigla niya na lang akong ngitian.

“Kamusta ka na?”

“A-ayos lang n-naman, i-ikaw?”

Tae! Bakit ba ko nauutal? Parang ako pa ang may kasalanan sa kanya dahil ako ang nauutal samantalang tong lalakeng ‘to kung makangiti sa akin parang walang problema! Pero imbes na sagutin niya ang tanong ko biglang ako ang tinanong niya.

I'm in Love with a DJ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon