Chapter Thirty Six
Maxine’s POV
Hawak hawak ko ang dibdib ko pagkababa namin sa roller coaster na sinakyan namin. Grabe ang dalawang ‘to! Napaka hyper nila as in! papatayin ata nila ako sa sobrang kaba dahil sa sobrang mabibilis ang mga rides na gusto nilang sakyan.
“Woah!! Isa pa!” hiyaw ni Gia na kanina pa sobrang lakas ng energy samantalang ako heto paubos na.
“Tama naman na! pagod na ko. Kain na muna tayo” sabi ko sa kanila.
“Oo nga ako din nagugutom na ako, kain na muna tayo”
Naglakad na kaming tatlo papunta sa may hotdog stand. Bumili lang kami pagkatapos ay naupo sa bench na malapit. Pinapanood ko lang silang sobrang siglang tumatawa. Feeling ko nabawasan na ang mga bagay na iniisip ko sa ilang linggong nagdaan. Iba pala talaga kapag meron kang kaibigan, kaya ka nilang patawanin kahit na sobrang lugmok ka na sa kalungkutan.
“Tara punta muna tayo sa classroom for sure may mga parlor games dun!” masayang sabi ni Lea.
“Sige, sige! Excited na kong kumain ng polvoron tapos magto-tongue twister hahaha”
“hihi sige! Ano Maxine sama ka ba?”
“Ah eh oo ba! Tara!” nakangiting sabi ko.
Naglakad na kami patungong classroom namin. May mini party rin kasi kami sa room at mamaya lang ay mag-gigift giving na kami. Hindi ko papala nasasabi kung sino ang nabunot ko para regaluhan, si Kean ang nabunot ko samantalang si Gia si Nina. Kaya ayun medyo awkward lang para sa kanya dahil nga ‘di ba may hindi sila pagkakaintindihan pero kahit na ganun binilan niya pa rin ng regalo. Ewan ko lang kung sinong nakabunot sa akin. Hmmm, nacurius tuloy ako.
Napakaraming estufyante ngayon ang mga nasa kani-kaniyang rooms nila dahil sa mga mini parties nila at siguro nagkakainan na pero iba kasi sa section namin eh. Mas trip nila ang laging KKB (kanya kanya baon) kaya heto mga mukha kaming pulubs na lakad ng lakad at kokonti lang ang natira sa room namin ‘yung mga mahilig sa senti mode at mga ilang classroom officers na nagprepare ng short program.
Habang naglalakad ay nakaramdam ako ng tila pagtawag ng inang kalikasan kaya heto napatakbo papuntang c.r. nagpaalam na alng ako kila Gia at Lea na babalik din ako agad at mauna na sila sa room namin dahil naiihi na talaga ako.
Napatakbo ako sa unang cubicle dahil hindi ko na talaga matiis at napapasayaw na ako sa sobrang naiihi na ako. Thank God at wala atang tao. Habang umiihi ay tila may narinig akong humikbi mula sa kabilang cubicle. A-ano ‘yun?
*sobs*
Waahh!! Ano ‘yun? Bakit may naririnig akong boses? Hindi! Hindi ‘yun multo! Ng matapos na ako sa aking pag-ihi session ay unti-unti kong binuksan ang pintuan ng cubicle at sumilip ako pero wala namang tao. Aalis na sana ako ng marinig kong bumukas ang cubicle sa tabi lang ng kinalalagyan ko.
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a DJ [Completed]
Genç KurguIsa akong babaeng inosente sa larangan ng pag-ibig. Wala akong pangarap pagdating sa salitang pagmamahal. Dahil isa lang ang taong nagparamdam sa akin kung ano ba ang salitang pagmamahal. Walang iba kundi ang DJ na lagi kong pinakikinggan gabi-gabi...