Chapter Two

366 12 2
                                    

“Ang aga mo naman atang pumasok ngayon ha Maxine?” nag-iintrigang tanong sa’kin ni Gia.

Hay naku naman talaga hindi pa sila nasanay sa’kin na maagang pumasok.

“Syempre ngayon na talaga mag-start ang TRUE at SERIOUS na pagtuturo ng mga teachers, para namang hindi ka na sanay saken”

“Oo nga naman Gia, ikaw talaga umagang-umaga pampawala ka ng Good Vibes” sambit naman ni Lea.

“Hays, magsitigil na nga kayo, ano ba? Ang aga-aga ang iingay niyo no? Tsss” pang-aawat naman na sabi ni Loraine, hayss kahit kalian talaga napaka—ahmm wala ^_^.

“Ok, fine sige na umayos na nga kayo at darating na rin si ma’am Reyes baka gusto niyong mabinyagan ni ma’am, ha?” sabi ko sa kanila na nanlaki naman ang mga mata nila haha mukhang Effective at nagsitahimik nga naman sila.

Si Gia at Lea O_O, si Loraine -_- haha parang ewan.

“Hoy? Haler? Ba’t ganyan mga itsura niyo?”

Napansin kong tila hindi sila sa akin nagulat kundi sa kung anong tinitignan nila mula sa likuran ko kaya minabuti kong tignan. Unti-unti kong nililingon ang ulo ko ng Makita ko si…

“Mike?” (Ako) O_O

Shacks! Bakit ganito ang feeling ko ng bigla ko siyang Makita? Nakakainis ang ganitong feeling nakakabwisit, nakakairita yung tipong kahit anong gawin mong direksyon ng pakiramdam mo eh mas lalo pa niyang inilalapit sa ganung pakiramdam ang MABIGHANI , Tama MABIGHANI talaga. Pweh! Ano ba ‘yang mga pinagsasabi ko.

“Hi, Good morning ^_^” (Mike)

Ano ba naman to feeling ko na-glue na ang mga mata ko sa kanya. Kasi naman eh ang gwapo ng itsura niya ngayon nakasalamin tapos yung hair-style niya eh parang pang-korean ah basta ang hirap IPALIWANAG imaginin niyo na lang :P .

“Hey, Ok ka lang ba?, Maxinne?” (Mike)

Bigla akong matauhan ng kurutin niya ang ilong ko.

“Ay, Shet, ay Bulateng maliit!”

Oh my Gas ano ba tong mga pinagsasabi ko. Narinig ko na lang ang mga kaibigan ko na nagtatawanan sa likod ko.

“Ah- eh sorry” pagpapaliwanag ko kay Mike. Kasi naman eh nakakainis bakit ba kasi siya nag-ayos ng ganyan? Anak ng! ang gwapo kasi eh.

“Ah, hehe sorry dahil kinurot ko ilong mo ka-cute lang kasi eh ^_^”

“Ah- ok lang ^_^”

And then, biglang dumating na ang terror teacher namin at syempre nagturo na siya at syempre hindi na ko nagpakabog sa mga classmates ko dahil lagi ako nag-rerecite kung hindi niyo man naitatanong eh BEST in RECITATION ako no! hahaha.

(a/n: baka best in recess)

Ako: duh? Hindi no!

(a/n: malamang alam ko ako kaya nagsusulat nito)

Ako: alam mo naman pala eh, tinanong pa tsk

(a/n: ok fine, napapahaba nanaman to, diyan ka na nga!)

Epal talaga yang author na yan, by the way balik sa story ^_^.

After ng subject namin kay Mrs. Reyes na Trigonometry eh syempre English na. tapos RECESS NA! ^_^

(a/n: sabi sa inyo eh best in recess)

Ako: Duh? Hindi no!

(a/n: defensive)

Ako: hmp!

Kainis naman. Actually masaya ako dahil sobrang gutom na ako dahil hindi ako nakapag-breakfast kanina pa’no ba naman kasi yung magaling kong ate eh inubusan ako ng KETCHUP! Tama KETCHUP! Eh ayoko kasing kumain ng hotdog pag walang sawsawan! Kainis kaya hmp! Oo sosyal na kung sosyal basta nakakainis ahahaha.

I'm in Love with a DJ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon