Chapter Thirty Four
Maxine’s POV
“Maxine hija, bakit ‘di ka pa pumunta sa classroom niyo? O di kaya naman makihalubilo sa mga estudyante na nasa school fair natin”
Napatingin ako kay Ma’am Fina dahil sa sinabi niya. Kanina kasi pagkadating ko dito sa school ay dito ako kaagad dumiretso sa office niya para makaiwas kila Mike. Tinulungan ko na lang si ma’am na magsort uli ng mga files at maglinis ng office niya. Nagtataka nga si ma’am dahil bakit daw ang sipag ko nitong mga huling linggo. Sabi ko lang na gusto kong bumawi sa mga oras na hindi ako nakakatulong dito kaya hinayaan na lang niya ako. Pero ngayon, tinignan ko ang osaras ko at 10am na nang umaga. Paniguradong marami ng estudyante ang nakakalat diyan at masaya kasama ang mga kaibigan nila dahil ngayon na ang pinakahihintay nang mga esudyante ng MEU. Ang Christmas party dahil kasabay nito ang pagkakaroon ng mini carnival for our school fair. Isa rin ‘yun sa dahilan kung bakit nitong mga ilang linggo ay busy ako dahil sa pag-aasikaso ng school fair namin.
“Ah mamaya na lang po ma’am”
“Ano ka ba, paniguradong hinahanap ka na ng mga kaibigan mo”
“Pero ma’am-”
“Huwag ka ng makulit bata ka, mag-enjoy ka naman kahit minsan hindi puro academics and pagiging student assistant ang inaasikaso mo. Tiwala ako sa kakayanan mo na kaya mong i-maintain ang scholarship mo at pagiging class valedictorian”
Alam ko naman ‘yang mga sinasabi ni ma’am sa akin eh. Tiwala lang din talaga ako na ako na ang magiging class valedictorian. Pero, siguro kung hindi lang transferee si Mike, possible rin na siya ang maging class valedictorian dahil sa sobrang talino niya. ‘yun nga lang may school policy kasi kami na kapag nagtransfer ka sa school bilang 4th year walang pag-asang makapasok sa top 5 siguro dahil mas priority nila ang mga loyal nilang student. Unfair man sa paningin ng iba pero wala eh ganun talaga.
Naglakad si ma’am papunta sa tabi ko saka ko naramdaman na ipinatong niya ang kanyang kamay sa balikat ko.”Ramdam kong may problema ka” Napatingin ako kay ma’am. Si ma’am Fina ay an gaming school guidance councillor kaya alam kong alam niyang magbasa ng behaviour ng tao kaya di na ko nagtakang mahalata niya ako. “Problems really do exist Maxine, kailangan mong harapin ito bago pa maguli ang lahat. Remember, nasa huli ang pagsisi”
Hindi ko alam pero napangiti na lang ako sa mga sinabi ni ma’am. “Thank you ma’am sige po mauna na ako”
“Face your fears Maxine, hindi sila iniiwasan. Hinaharap sila” saka ako muling ngumiti kay ma’am bago tuluyang lumabas ng office.
Tama, kailangan kong harapin ang mga problema na gumugulo sa isipan ko. Alam kong baling araw ay mawawala rin ito at nangyayari ang lahat dahil may dahilan si God sa lahat ng bagay.
Humugot ako ng napakalalim na hangin bago ako pumasok sa room namin. Eto na haharapin ko na sila.
Pagkapasok ko sa classroom ay kakaunti lamang ang mga classmate ko na nandito dahil paniguradong nasa labas silang lahat at nagsasaya sa mga rides at ilang mga booths na nandito. Sinubukan kong hanapin ang mga kaibigan ko pero wala sila.
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a DJ [Completed]
Teen FictionIsa akong babaeng inosente sa larangan ng pag-ibig. Wala akong pangarap pagdating sa salitang pagmamahal. Dahil isa lang ang taong nagparamdam sa akin kung ano ba ang salitang pagmamahal. Walang iba kundi ang DJ na lagi kong pinakikinggan gabi-gabi...