Chapter Twenty Four

243 9 0
                                    

A/N: Dahil favorite number ko ang 24 mahaba ang update ngayon. haha joke lang. napasarap lang sa pag encode. Enjoy Reading! ^_^

_-_-_-_-_-_-_

Chapter Twenty Four

Maxine’s POV

Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga nakita ko nung isang araw. Ang yakapan sa pagitan nila Mike at Nina. Kanina pa ako pagulong-gulong sa higaan ko. Naloloka na talaga ako! Bakit ko ba patuloy na iniisip ‘yun? Kainis naman.

Tumayo ako sa kama ko saka humiga ulit. Tumayo ulit ako saka humiga ulit.

“Hayys! Kagulo-gulo na talaga ng buhay ko!!!!” sabay sinipa sipa ko ang hangin na mukha akong ewan. Hanggang sa nakaramdam ako ng may mahulog sa higaan.

Napatayo naman agad ako upang makita kung ano ba ‘yun?

Pagkatayo ko, nakita ko naman kaagad ang librong binili para sa akin ni Mike. Automatic nanaman na ngumiti ang mga labi ko nung naalala ko nanaman ito.

Habang pinupulot ko ‘yung libro. May isa papalang nahulog.

“yung diary ko”

Pinulot ko uli ito saka binasa. Kahit kasi ako ang nagsusulat dito, hindi ko pa rin magawang basahin ng paulit-ulit. Naalala ko pa pala na nakuha ito ni Mike. Posible nga kayang hindi niya ito binasa? Hindi naman siguro magsisinungaling ‘yun sa akin.

Binuksan ko ito at tila nagulat naman ako sa nakita ko. Picture lang naman ni Sam. Sa tagal ko ng hindi nagsusulat dito nakalimutan ko ng halos tungkol kay DJ Ken at kay Sam lang ang nakasulat dito.

Lahat ng nangyayari dati sa akin kapag sinusulyapan ko si Sam. Pati na rin ang mga favorite lines na binibitawan ni DJ Ken,lahat ‘yun nandito. Pati na rin ang mga wishes ko. Kaya natakot ako bigla nung nalaman kong napunta ‘to kay Mike. Siyempre may isinulat na rin ako dito tungkol sa kanya.

Habang napapangiti-ngiti ako habang binabasa ang mga sinulat ko, nagulantang naman ang isipan ko ng may marinig akong humiyaw mula sa baba.

“Maxine!!”

Tsk! Si ate Mina! Humihiyaw nanaman, ano kaya ‘yun? Tinignan ko ang orasan, 4pm pa lang naman. Saka Sabado ngayon walang pasok. Iniistorbo nanaman niya ako. Psh!

“TEKA LANG!!” hiniyawan ko rin siya pabalik. Akala niya ah!

Isinuot ko na ang tsinelas ko at nagtungo pababa. Nagpunta muna akong kusina para uminom. Istorbo talaga si ate eh.

Umiinom ako ng tubig ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

“Ugh!” halos malunod na ako sa iniinom ko.

“Nagawa mo pang uminom ng tubig?”

“Anong masama sa pag-inom ng tubig? Muntik na akong malunod!”

“May bisita ka kaya! Kanina pa ‘yan nandito! Ang hirap mo naman kasi tawagin eh! Tapos dito ka pa sa kusina tumambay? Mahiya ka naman! Jusmiyo!”

“Hindi mo naman kasi sinabi agad eh, teka si mama nga muna nasaan?”

“Nagpunta lang kila tita may kinuha, sige na punta ka na dun kanina pa naghihintay”

“Oo na!” Psh, ipagtulakan pa ako? Sino naman ‘yan? Istorbo sa weekend ko, di kaya si Gia ?

Pero pagkarating ko sa sala, nakita ko kaagad ang isang pamilyar na mukha na kanina lang ay pinagpapantasyahan ko. Ay! Ang bastos nanaman ng iniisip ko >.<

“Ah-eh, i-ikaw p-pala Sam”

“Maxine” seryosong sabi niya.

“Bakit ka napadaan dito sa bahay namin?”

I'm in Love with a DJ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon