Chapter Thirty Two
Maxine’s POV
Martes na ngayon pero parang ayoko pang pumasok. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Masyado na atang ang OA ng feeling ko simula nung linggo ng gabi. Nagmumukha na akong zombie dahil sa kakaisip sa nakita ko. Masisisi niyo ba ako kung ang virgin eyes ko ay nakakita ng dalawang taong naghahalikan? Masama pa neto ay ang dalawang taong ‘yun ay hindi lang basta-basta kung sino dahil si Mike na kakasabing mahal niya ako at si ate Shaina na siyang fiancé ng kuya niya? Para tuloy akong binabagabag ng aking konsensya sa mga nakita ko. Kawawa naman si kuya Marco dahil wala siyang kaalam alam sa mga nangyayari sa paligid niya.
Habang nag-aayos ako ng mga libro sa bag ko ay bigla na lang humiyaw si ate Mina mula sa baba kung kaya nagulantang nanaman ang magulo kong isipan sa lakas ng boses niya.
“Maxine! Nandito na ‘yung kaibigan mong susundo sa’yo!”
Susundo? Sino namang susundo sa akin?
Dahil dun ay binilisan ko ang pag-aayos ng sarili ko at minabuti ko ng bumaba patungong sala. Paika-ika pa rin ako sa paglalakad ko at laking gulat ko ng makita ko si Sam na prenteng nakaupo sa may mahabang upuan sa sala namin. Bakas naman ang sobrang lapad na ngiti sa mukha niya.
“Oh ano pang tinitingin tingin mo?” sabi niya sa akin.
“T-teka, bakit ka ba nandito?”
“Susunduin ka” sabay kindat pa sa akin. “Akin na ‘yung bag mo” nabigla na lang ako ng biglang kinuha ni Sam ang backpack ko saka nauna na siyang maglakad papuntang kotse niya. Hindi na rin ako nakapag paalam kay mama at kay ate Mina dahil sa lalakeng ‘to na agad-agad na siyang naglakad palabas.
“Hoy, teka lang!” hiyaw ko habang patuloy sa paghabol sa kanya.
Hinahabol ko si Sam papuntang kotse niya dahil sa hindi ko kasi akalaing seseryosohin niya ang mga sinabi niya sa akin kagabi. Hindi pa nga ko nakakamove on sa pagkakakiss niya sa akin sa pisngi ko. Siyempre medyo may kilig cells pa ring dumadaloy sa dugo ko dahil crush ko ‘tong si Sam. Ewan ko ba at bakit ngayon kumportable na kong makasama siya.
“Ano pang hinihintay mo diyan? Pasok ka na, malelate na tayo”
“O-ok”
Wala sa sarili akong pumasok sa loob ng kotse niya saka siya nagsimulang pinatakbo ang sasakyan niya. Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari sa paligid ko eh. Nakakainis.
“Sam/Maxine”
Nagkatinginan kaming dalawa dahil sa sabay kaming nagsalita.
“Ikaw muna/Ikaw muna”
Nagkatinginan nanaman kaming dalawa dahil sabay nanaman kaming nagsalita. Nakita ko namang ngumiti si Sam saka tumango sa akin.
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a DJ [Completed]
Teen FictionIsa akong babaeng inosente sa larangan ng pag-ibig. Wala akong pangarap pagdating sa salitang pagmamahal. Dahil isa lang ang taong nagparamdam sa akin kung ano ba ang salitang pagmamahal. Walang iba kundi ang DJ na lagi kong pinakikinggan gabi-gabi...