Chapter Ninteen

191 10 1
                                    

Chapter Nineteen

Maxine’s POV

“Hindi mo na kailangang maghanap pa dahil nandito na ako”

Tila may kung anumang pader ang humaharang sa ulo ko para hindi lingunin ang taong nagsasalita sa likuran ko. Hindi ako nagkakamali boses niya yun. Imposible, napaka-imposible talaga kung siya si DJ Ken. Teka baka naman nagkakamali lang ako ng iniisip at kaboses niya lang yung nagsasalita? Saka. . . anong pinagsasabi kong DJ Ken? Eh hindi ko naman alam kung yun talaga ang pinunta niya dito.

Bahala na Maxine basta, lingunin mo na lang. Pumikit ako saka huminga ng malalim. Nakayuko ako at unti-unting nilingon ang taong nagsasalita mula sa likuran ko.

Ngayon ay nakaharap na ako sa kanya at tanging ang sapatos niya lang ang nakikita ko dahil nakayuko ako.

“Anong problema? Bakit ka nakayuko?”

Oo nga naman Maxine? Bakit ka nakayuko? Para kang ewan! Uni-unti kong iniangat ang ulo ko at OO nga hindi ako nagkakamali siya talaga ‘yan.

“SAM?!”

“Oo, bakit? Para kang nakakita ng buhay na multo, sa gwapo kong ito?” saka siya ngumiti habang nakabulsa ang magkabilang kamay.

Andaming tanong ang nabubuo sa isipan ko ngayon. Bakit si Sam? Siya ba ang nagpadala ng text message sa’kin? Kung siya. . . .posible nga rin na siya si DJ Ken? Saka bakit siya nagpakita sa akin? HAyysss!! Para akong baliw na nakatulala sa kanya at tila naipit ang dila ko at hindi makapagsalita. Ako? Si Maxine Montes? Na running for class valedictorian? Ay nagkakaganito dahil lang sa nakaharap ang long time crush niya? Para na talaga akong wala sa sarili ko.

Bigla na lang nagising ang diwa ko ng bigla akong pitikin sa noo ni Sam.

“Hey, you’re acting weird, I hate your stares” tapos naglakad siya papunta sa likuran ko habang naka-crossed arms pa at nilampasan ako.

Umikot naman ako para sundan siya at ulanin ng tanong.

“H-hoy! S-sam! T-teka lang!” bigla naman siyang humarap sa akin na may pagka-seryoso ang mukha niya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan.

“B-bakit ka andito? I-ikaw ba yung nagpadala ng text message sa akin kagabi?” bahala ng magmukhang tanga at desperada sa harapan niya basta gusto kong malaman ang katotohanan.

Naglakad naman siya papalapit sa akin. Habang papalapit siya ako naman ay napapa-atras na lang pero patuloy pa rin siya sa paglalakad paharap. Ano bang gusto niya?

“Paano kung sabihin kong oo. . .” (step-forward)

*gulp*

“. . .ako nga ang nagpadala”

*gulp*

B-bakit? Anong kailangan niya sa akin? Naguguluhan ako.

“Di ba ito naman ang gusto mo (step-forward) ang makita si DJ Ken (step-forward) then here I am (step-forward) in front of you. . . (last step-forward) Ms. Maxine Montes” then he smile and lean forward. This time ay nakasandal na ako sa pader and our face is about 3 inches close.  

I don’t know how to react. Hindi ko alam ang gagawin ko! Oh My Gahd! Paano nangyari na siya si DJ Ken? And paano niya rin nalaman na hinahanap ko siya? At TAKE NOTE! Nagpakita siya sa akin!

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga pinagsasabi niya na siya si DJ Ken? Napakaraming tao ang pwedeng magpanggap na siya si DJ Ken eh. Pero. . ang kakaiba nga lang ay ang taong hindi ko inaasahan ang magsasabing siya raw si DJ Ken? Kung ganun. . . napaka-liit naman ng mundo na si DJ Ken ay matagal ko na palang nakikita. Pero. . .i don’t know if papaniwalaan ko pa rin ang sinasabi niya.

I'm in Love with a DJ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon