Chapter Seven
Maaga akong nagising ngayon dahil nga sa susunduin ako ni Mike dahil magrereview kami sa bahay nila, hindi ko lubusang maisip kung gaano kalaki yung bahay nila kung iisipin nakakalula na talaga siguro sa laki. Yung kuya niya kaya? mabait kaya yun? Medyo nahihiya tuloy ako. May MEDYO pa talaga eh haha.
Naligo na ako at nagbihis na rin syempre yung disenteng damit naman nakakahiya kasi. Nagpants ako tapos polo-shirt na pangbabae at nagconverse na lang ako ganito lang talaga kasi ako pumorma eh ok lang kahit sabihin niyong walang sense ang style. Sinuot ko na yung salamin ko at saka bumaba.
Pagkababa ko eh lumapit ako kay mama.
“Mama, aalis po ako ha, sinabi ko naman na sa inyo kagabi yung dahilan eh” sabay yakap kay mama, ganito talaga ako malambing na anak hehe
“Oo anak, basta galingan mo ah” sabi ni mama na mahinhin nanaman. Hays san ba ko nagmana at hindi ko namana ang pagka mahinhin ni mama pati si ate.
“Opo naman mama!” sabay kiss sa pisngi niya.
“Hoy, Maxine may bisita ka” humiyaw si ate mula sa sala para namang ang laki-laki ng bahay namin para humiyaw siya.
“Oh teka lang” pahiyaw na sabi ko pano naman kasi ang ingay niya.
Pagkadating ko sa sala nakita ko si Mike nakaupo sa sofa at sa kabila naman si ate. Hahaha nakakatuwa itsura ni Mike namumula bakit naman kaya? ang gwapo pa rin niya kahit nakashorts at blue t-shirt na may print na G-clef at naka vans na shoes, si ate Mina talaga.
“Oh Mike andito ka na pala, ma, ate, si Mike”
“Hello po” sabi ni Mike aba ang bait ah.
“Mike, si mama” tinuro ko si mama at ngumiti si mama.
“Nice meeting you hijo” sabi ni mama.
“Ako din po ^_^” nakangiting sabi niya. Pati ba naman sa mama ko nagpapacute pa.
“Mike, si Ate Mina naman kapatid ko”
“Ah hello po ate Mina ^_^” hays siguro talagang ganun lang siya ngumiti lahat naman ata ng tao ganun niya ngitian eh.
“Anong oras kayo uuwi?” seryosong tanong ni ate.
Anak ng! Hindi naman kami mag-ddate ha? Reminder ko lang po sa mga mambabasa REVIEW po ang gagawin namin PERIOD! Tong ate kong to mukhang ewan.
“Ate- ” pinanlakihan ko siya ng mata at si Mike naman sumagot.
“Mga 6pm po ihahatid ko siya ^_^” nakangiting sabi niya nanaman. Hays sumakay pa ata sa trip ni ate eh.
“Oh ate, ma alis na kami ah! Bbye!”
Agad ko ng kinaladkad palabas ng bahay si Mike baka kung ano nanamang itanong sa kanya ng ate ko eh.
“Oh bakit mo ko hinila?”
“Wala, gusto ko kasing maagang matapos yung review natin” pagsisinungaling ko sa kanya.
“Yun lang ba talaga?” sabay tusok-tusok sa tagliran ko.
“ANO PA BA???” medyo napahiyaw ako kaya tumigil siya pero mukhang wa-epek dahil tumawa pa yung mokong. “Anong nakakatawa?”
“Ah haha yung butas ng ilong mo lumalaki” sabay pindot nanaman sa ilong ko. Bwisit talaga to! Kahit kailan.
“Tara na nga!” sabi ko sa kanya sabay sakay sa kotse niya. Haha feelingera naman ako na sa akin yung kotse hayaan niyo na pagbigyan ang walang kotse. (^_-)v
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a DJ [Completed]
Teen FictionIsa akong babaeng inosente sa larangan ng pag-ibig. Wala akong pangarap pagdating sa salitang pagmamahal. Dahil isa lang ang taong nagparamdam sa akin kung ano ba ang salitang pagmamahal. Walang iba kundi ang DJ na lagi kong pinakikinggan gabi-gabi...