Chapter Thirty Eight
Gia’s POV
Isang linggo na ang nakalilipas matapos ang aming Christmas party at Christmas break na. konting kembot na lang magpapasukan na rin ang bilis-bilis talaga ng pag-ikot ng orasan nakakalerki! Hayyy, kamusta na kaya ang mga bebe’s ko? Bigla na lang kasi silang nawala nung Christmas party namin at tanging kami lang ni Lea ang naiwan sa school tapos hindi ko pa makontak sila Maxine at Loraine! Mga bruhang ‘yun! Argh!
Nandito ako ngayon sa may sala namin habang nanunuod ng movie, nakakainis dahil naiinip ako. Ang boring-boring ng buhay ko dito lalo pa at ang kuya ko ay malaman laman ko na lang na ikakasal na pala?! My goodness magiging tita agad ako ng di-oras! Kung bakit ba naman kasi hindi nagpigil ang kuya ko ‘di pa gumamit ng proteksyon ayan tuloy! Tsk! Ang bata-bata pa kaya niya.
“Ate”
“Bakit?” walang gana kong sagot kay George.
“Umuwi na ba si kuya Greg?” tanong niya sa akin habang naupo sa may paanan ng sofa. Aba’t himala naman ang galang galang niya sa akin ngayon.
“Aba’y malay ko sa kanya, saka mas close kayo bakit sakin mo tinatanong”
“Di pa kasi umuuwi magmula kagabi eh” kakamot kamot sa ulo niyang sabi.
“Eh ano naman kung di pa siya umuuwi, magkakaanak na ‘yun at ikakasal na sa tingin mo mawawala pa siya? Takte naman George dun ka na nga sa kwarto mo nakakapang-init ka ng ulo”
“Ang sungit mo talaga kahit kailan, kaya di tayo close eh!” saka nagdabog na umakyat sa hagdan.
Bakla ba ‘tong kapatid ko na ‘to? My God! Bakit ba ang abnormal ng pamilya ko?
Pinatay ko na ‘yung t.v dahil sa wala na rin akong gana. Lumabas na lang ako sa may garden at doon nagpahangin. Bad mood ako simula ng malaman kong nakabuntis ang kuya ko. Magmula kasi nung nangyari ‘yun sila mommy at daddy ay lagi na lang siyang pinoproblema. Saka, di ko gusto yung babaeng papakasalan niya eh ‘yun ‘yung malanding mukhang tukong nagkakandarapa sa kuya ko magmula nung high school tapos nabuntis niya? Hays ang gulo ng buhay!
“Ma’am Gia, may bisita po kayo”
Bisita? Sino naman kaya?
“Sino daw?”
“Yung Allen daw po”
“Sige papunta na”
Ano naman kayang gagawin ni Allen dito? Matagal na rin kaming walang communication. Pinutol ko na kasi ang ugnayan naming dalawa at iniiwasan ko siya lagi sa school magmula nung pangyayari sa engagement party ng kuya ni Mike. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong mag-explain dahil ayokong maging malambot sa harapan niya. You know, I always been so tough infront of many people but all of them don’t know that there is only one person who can make my heart soft… that’s him. (ay, umi-english ang peg ko ngayon? Anong nakain ng author nito?)
Naglalakad pa lang ako papunta sa sala pero parang gusto ko ng magback-out. Argh! I hate it. Pero kailangan eh. Nakita ko siyang nakaupo sa may sofa at nakatungo siya pero agad naman siyang tumayo nung nakita niya ako.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.
Lumapit naman siya sa akin at akmang hahawakan ang braso ko pero umiwas ako.
“Iniiwasan mo ba ako?”
Napangisi na lang ako sa tanong niya.
“Ano namang klaseng tanong ‘yan? Bobo lang? bakit hindi mo ba ramdam? Alam mo naman pala pero kailangan pang itanong, ganun?” naiinis ako sa kanya!
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a DJ [Completed]
Teen FictionIsa akong babaeng inosente sa larangan ng pag-ibig. Wala akong pangarap pagdating sa salitang pagmamahal. Dahil isa lang ang taong nagparamdam sa akin kung ano ba ang salitang pagmamahal. Walang iba kundi ang DJ na lagi kong pinakikinggan gabi-gabi...