A/N: Short UD lang. antok na ako eh bawi next time malapit na tayo sa climax di niyo lang ramdam haha
-_-_-_-_-_-_
Chapter Twenty Five
Maxine’s POV
“Paano kung sabihin niyang, nagsinungaling siya dahil mahal ka niya, magagalit ka ba?”
“Paano kung sabihin niyang, nagsinungaling siya dahil mahal ka niya, magagalit ka ba?”
“Paano kung sabihin niyang, nagsinungaling siya dahil mahal ka niya, magagalit ka ba?”
“Paano kung sabihin niyang, nagsinungaling siya dahil mahal ka niya, magagalit ka ba?”
Hayyss!!!!!! Bakit ba paulit ulit na sa utak ko ‘yan??? Anong ibig niyang sabihin? Eh di ba nagtatanong lang naman siya? Kung makapagreact naman ako eh totoo. Baliw na ba ako?
Hindi ko rin naman kasi nasagot ‘yang tanong na ‘yan dahil bigla siyang nagsabi nang ‘joke lang’ saka tumawa ng malakas! Ano bang trip niya at napagdiskitahan niya ako kahapon?
Tila may hang over pa nga ko sa pagkain niya ng ice cream ko eh nadadagdagan pa ang isipin ko.
“Maxine, bumaba ka na at kakain na tayo ng pananghalian”
“Opo ma, susunod na”
Hays. . . ikakain ko na lang ito!
Third Person’s POV
Sa isang kulob na kwarto ay may dalawang taong masinsinang nag-uusap. Na tila sila lang ang nakakaintindi ng pinag-uusapan nila.
“Muntik na niyang malaman”
“Buti na lang at ganun lang ang nangyari, tsk”
“Pero alam mong darating ang panahon ay malalaman din nila ang totoo, matalino siya kaya madali siyang makahalata”
“Sasabihin ko rin, kaso hindi pa ako handa”
“Ganyan ka lagi, napakamisteryoso mong tao”
“Hindi naman, ikaw lang naman ang nakakaalam eh”
“Pero kahit na, nakakabadtrip ka kasi, sana hindi na ako pumayag, nakakaguilty kaya”
“Ok lang yan bro, mukhang makukuha mo na ang gusto mo at pag nangyari ‘yun saka na ko aamin, gusto ko lang siyang mapasaya”
“Sana”
Maxine’s POV
Naku naman, lunes nanaman pala. Makikita ko nanaman ang mga taong pinakamamahal ko. Hahaha.
Kailangan ko ng umarte ng maayos dahil sabi ni author ay i-the-the end na niya daw to pag hindi ako nagtino! Naku naman sayang exposure ko!
Natapos nanaman ang dalawang subject at absent si Lea dahil may tigdas! Halla naman kawawa naman siya. Nakakatakot naman bisitahin at baka mahawa pa kami. Hirap kaya umabsent no! ok lang si Lea dahil tagilid ang grade niya! Ay ang sama ko! >.<
Hays. December na pala? Biruin mo ‘yun? Parang kahapon lang eh pasukan pero ngayon ay malapit na ang Christmas vacation! Sana maging masaya ang Christmas ko!
“Uy”
“Bakit?”
“Paturo nga ako neto, sige na”
“Oo na Mike pwedeng saglit lang, hindi ko pa tapos ‘tong akin eh”
“Kokopyahin ko na lang ‘yan pag natapos mo”
“Loko ‘to parang walang sariling utak, sige mamaya tapusin ko lang ito”
Bakit ba kapag ngumingiti si Mike eh kahit ayoko gawin ‘yung ibang bagay eh ginagawa ko naman. Nakakainis!
Sam’s POV
Hindi pa rin ako mapakali dito sa kinauupuan ko. Nagdaan na ang ilang mga subjects pero wala namang pumapasok sa isipan ko.
Hawak hawak ko ngayon ang kwintas na binili naming ni Maxine. Paano ko kaya maibibigay ito sa kay Nina?
Alam kong mahal niya pa rin ako. Dahil nararamdaman ko ‘yun. Kaya nga pinagsisisihan ko dati na nahiyawan ko siya kahit sa cellphone lang niya. Nasaktan na kasi ako nun nang sobra kaya hindi ko rin napigilang mahiyawan siya.
Ako naman ang may dahilan ng lahat eh. Pero kasalanan ko bang bigla na lang akong halikan ng isang hipon sa maraming tao? Eh mabait lang naman ako dahil tutulungan ko siyang makapuntang clinic, kung alam ko lang na ganun ang ginawa niya eh di sana hindi ko na tinulungan! Good thing at nag transfer na sa ibang school ang babaeng ‘yun.
After ng class ay umuwi na ko kaagad. Ayoko ng mag-stay sa school dahil hindi ko feel ang ambiance. Nakakayamot, kaya minabuti ko na lang na umuwi na.
Pagkauwi ko ay pumasok na ko kaagad sa kwarto ko. After nun ay humilata na ako.
“Hayyys!! Bwisit na buhay!” kinuha ko ang picture frame sa gilid ng kama ko. Nalungkot nanaman ako nung nakita ko ito.
“Alam kong babalik ka rin sa akin di ba?”
Nang biglang may kumatok sa pintuan. Tumayo ako para buksan ito at nakita ko ang maid namin.
“Sir, may bisita po kayo sa ibaba”
“Ah sige susunod na ako”
Sino naman kaya ‘yun?
Agad na akong bumaba para tignan kung sino ‘yung bisita. Eh sa pagkakaalam ko eh wala naman akong inaasahang bisita ngayon.
Pagbaba ko ng hagdan sinalubong agad ako ng bisita ko.
“Oh kuya Marco, napadaan ka. . .and you Shai”
“Iimbitahan ka lang sana namin sa engagement party namin ni Shai”
Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko. Engagement party? Agad-agad?
“Ambilis naman ata niyan”
“Shai’s father decided to have an engagement as soon as possible, bago pa daw lumaki ang tiyan niya, you know his dad naman di ba? He’s to strict”
Totoo ‘yun strikto talaga. Pero, si Mike? Ok na kaya siya?
“Si Mike? Alam na ba niya? Ok na ba kayo? Tanggap na ba niya?” tuloy tuloy na tanong ko sa kanila.
“Relax lang, actually mamaya pa naming balak sabihin sa kanya, sa’yo ko muna sinabi”
“I’m hoping that you will attend, isama mo rin ‘yung girlfriend mo” sabi ni Shai.
Kung alam niyo lang wala akong girlfriend. Napangiti na lang ako sa kaniya.
“Bakit di mo isama si Maxine at iba ninyong kaibigan para maraming bisita”
“Sige sasabihin ko”
“Pano ba ‘yan, alis na kami ha? bye” at tinapik niya ako sa braso ko.
Si Maxine? Isasama ko? Tsk!
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a DJ [Completed]
Novela JuvenilIsa akong babaeng inosente sa larangan ng pag-ibig. Wala akong pangarap pagdating sa salitang pagmamahal. Dahil isa lang ang taong nagparamdam sa akin kung ano ba ang salitang pagmamahal. Walang iba kundi ang DJ na lagi kong pinakikinggan gabi-gabi...