Chapter Twenty Six

157 10 1
                                    

Chapter Twenty Six

Mike’s POV

Dumating ako sa bahay na wala akong dinatnan na sinumang tao. Lagi na lang ganito parang hindi naman na ako nasanay. Tsk

I’m about to step on the stair when someone called me from behind.

“Mike”

Lumingon ako at nakita ko ang kuya ko kasama si Shai. Para san nanaman ba ang pag-uusapan namin? Kung tatanungin niyo ako kung naka move on na ko. OO naka move on na ako kay Shai. Ano pa bang magagawa ko di ba? Eh sa magiging ina na siya ng pamangkin ko.

Kahit sabihin kong may pagmamahal pa rin ako sa kanya, siguro bilang kapatid na lang.

“Bakit?” I asked.

“Can we talk?” –Marco

Tumango na lang ako sa kanya at sumunod patungong study room.

“So anong pag-uusapan natin?”

“Me and Shai is about to engage”

Eh bakit kailangan pa nang masinsinang usapan? Para san pa? Naka-move on na nga ko eh!

“And?“ sabi ko.

“It’s not the reaction I expect from you”- Marco

“Why? Do you think I’ll punch you? I’ll kick you? I’ll curse you? Eh ano naman kung i-eengage na kayo?”

“So ok na sa’yo?”-Marco

“Oo nga, kakulit mo. . .kuya” nakangiting sabi ko sa kanya.

Nakita ko namang ngumiti din siya sa akin same with Shai. Ngayon ko lang nakitang bagay sila ng kapatid ko.

“Thanks bro”-Marco

“Wala ‘yun, basta ba kasing gwapo ko ang magiging anak niyo ha?” pabirong sabi ko sa kanya.

“Oo ba”-Marco

“Sige mauna na ako”

“Wait”-Marco

“Bakit?” I asked

“Sa engagement namin, gusto ko sanang imbitahin mo ang mga kaibigan mo sila Maxine para naman masaya dahil may mga teenager hindi puro matatanda ang bisita”

“Ah sige sasabihin ko sa kanila”

Maxine’s POV

Naglalakad ako ngayon dito sa corridor papuntang science garden dahil inutusan ako nung science teacher na magdilig. Hays, imbes na tumanggi ayun pumayag ako syempre officer kaya ako at scholar pa kaya dapat lang na sumunod ako.

Habang naglalakad may tumawag sa akin.

“Maxine!”

Paglingon ko ko naman ay nakita ko kaagad siyang tumatakbo palapit sa kinaroroonan ko.

“Oh bakit Sam?”

“Pwede ba kitang makausap?”

“Ah eh pupunta kasi akong science garden eh, magdidilig pwedeng mamaya na lang?”

“Eh di samahan na lang kita”

“Naku huwag na, kaya ko naman eh“

“Ah basta”

“Uy teka lang!”

Nagdiretso na sa paglalakad si Sam papuntang garden samantalang ako tumatakbo palapit sa kanya. Ang haba haba naman kasi ng binti! Saka ano nanamang sasabihin niya? Nung nakaraang araw lang eh sabi niya may sasabihin daw siya sa akin pero ang totoo wala naman. Kinain pa ice cream ko! TT^TT

I'm in Love with a DJ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon