Chapter Thirty Seven
A/N: Sorry if late update, marami pang tinatapos eh malapit na rin poi tong matapos konting tiis na lang! Just enjoy this update! <3
Mike’s POV
“Look what have you done!” hiyaw sa akin ni Sam habang napahilamos sa mukha niya. Oo na alam ko namang ako ang may kasalanan sa lahat ng ito at … pinagsisisihan ko ito na sana pala hindi ko na ginawa. Pero ako lang ba ang may kasalanan nito lahat?
Tumingala ako saka humugot ng hangin saka ko tinignan si Sam na ngayo’y nakaupo habang nakasapo ang mga kamay niya sa kanyang mukha.
“Huwag mo kong sisigawan at sabihing ako lang ang may kasalanan ng lahat ng ‘to. Oo ako nga ang nagpasimula ng lahat ng kasinungalingang ito, pero pumayag ka naman at ang kapalit pa nito ay ang paggamit mo kay Maxine para pagselosin si Nina, who do you think is the worst?”
“It’s just…”
“So don’t blame everything to me Sam, mahal ko si Maxine. Mahal na mahal” saka na ko humagulgol sa pag-iyak. Nakakabakla mang tignan pero umiiyak talaga ako. Ang hirap pala, ang sakit sa pakiramdam na mawalan nang tiwala ang taong mahal mo. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko para maibalik ang tiwala sa akin ni Maxine, wala rin naman akong pwedeng maidahilan sa kanya dahil sinabi ko na lahat kanina. Umamin na ako sa kasalanan ko sa kanya pero ang mahirap gawin ay kung paano ko ba siya maibabalik sa akin. “Paano ko na ibabalik ang dati? Paano?”
Tumayo si Sam saka lumapit sa akin at tinapik ako sa balikat ko. All this time lagi na lang akong tinatapik ni Sam sa balikat ko kapag umiiyak ako. Lumaki kasi kaming sabay kaya mas malapit ako sakanya kaysa sa kuya ko. “Okay lang ‘yan Mike, saka pala. I’m sorry dahil sinuntok kita kanina. I’m sorry.”
“Okay lang ‘yun. Tama naman lahat ng sinabi mo sa akin. Selfish lang talaga ako at sarili ko lang ang iniintindi ko at naging kampante sa lahat ng bagay at hindi na inisip kung ano bang pwedeng mangyari sa hinaharap”
Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa paligid namin. Hanggang ngayon ay nagflaflashback pa rin sa isipan ko ang mukha ni Maxine na kanina ay sobra ang pag-iyak dahil sa akin.
“Mike…I’m sorry”
Napatingin ako kay Sam. “Sorry saan? Dahil sa pagsuntok mo sa akin?”
“Hindi ‘yun, sorry dahil… minahal ko si Maxine na dapat ay hindi”
Sa pagkakataong ito ay ako naman ang umakbay sa kanya. “Naiinis man ako dahil alam kong may kahati na ako sa pagmamahal ko kay Maxine, hindi pa rin naman ako pwedeng magalit sa’yo dahil hindi mo naman kasalanang mapamahal ka kay Maxine. Hindi lang luha ang traydor sa atin, dahil pati puso traydor na rin, hindi kasi pwedeng turuan kung sino ang dapat mahalin dahil kusa na lang siyang titibok kung gusto niya”
Ngumiti ng kaunti sa akin si Sam “DJ Ken? Ikaw na ba ‘yan?” saka siya umarteng tila kinikilig.
Napangiti na rin ako saka ko siya sinuntok ng mahina sa braso niya. “G*go!”
“Utot mo!” saka kami nagtawanang dalawa. Nakakamiss din pala ‘tong pinsan ko na ‘to dahil ilang buwan na rin magmula nung hindi kami nagpapansinan. “Pero seryoso Mike, anong plano mo? Huwag kang mag-alala, dahil handa akong magparaya dahil alam kong in the first place, ikaw ang gusto ni Maxine ‘yun nga lang ako ang crush niya” saka siya tumawa.
“Loko to, may magpaparaya bang masaya? Seryoso, ikaw lang ata” saka ako nakangiting iiling iling.
“Challenge ‘yun insan, na dapat sa pagkakataong ito ay dapat pahalagahan mo na si Maxine dahil pag hindi. Madali lang siyang bawiin sa’yo dahil alam kong ako ang una niyang nagustuhan”
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a DJ [Completed]
Teen FictionIsa akong babaeng inosente sa larangan ng pag-ibig. Wala akong pangarap pagdating sa salitang pagmamahal. Dahil isa lang ang taong nagparamdam sa akin kung ano ba ang salitang pagmamahal. Walang iba kundi ang DJ na lagi kong pinakikinggan gabi-gabi...