Chapter Sixteen
Maxine’s POV
Umagang umaga ang lakas ng ulan. May bagyo ba? Sabi naman ni kuya Kim may low pressure area daw buti na lang lagi akong nanonood ng tv kaya ayun updated ang ate niyo haha. Katatapos pa lang ng long weekend namin. Syempre ganun talaga basta kapag may mga camping activity kami may 2days kaming rest day. Sarap buhay pahila-hilata lang ako sa kwarto lalo pa at nag-uuulan malamig ang panahon.
Nandito na ako ngayon sa may building namin sa ground floor. Grabe ang lamig brrrr.
Basang basa na ako. Kainis naman na ulan kasi yan, sabi walang bagyo? Parang bagyo sa lakas eh wa-epek ang payong ko. Tssss.
Nakatayo ako ngayon malapit sa hagdanan. Sa 2nd floor pa naman yung room namin. Ayokong makita nila akong ganito kabasa mukhang ‘basang-sisiw’ lang ako nito eh.
Binuksan ko yung bagpack ko. Dala ko ata yung face towel ko.
Pero dahil sinuswerte ako ngayon. Naiwan ko yung face towel ko. TT^TT sisipunin pa ata ako nito eh. Punta na nga lang ako sa locker room baka may towel ako dun. Sana meron.
Maglalakad na sana ako papuntang locker room ng biglang.
May naramdaman akong nagpatong ng kung ano man sa balikat ko. Hinawakan ko ito. Isang towel ito panigurado. Pero, sino naman magbibigay nito? Teka, di kaya si.
“Mi-”
Hindi ko na natuloy ‘yung sasabihin ko dahil sa , NANANAGINIP BA AKO? Imposoble tong nakikita ko. Lord nasa langit na po ba ako? May anghel kasi sa harapan ko. Isang napaka-gwapong anghel.
Hindi na ako nakapagsalita.grabe shacks! Pwede po bang humiyaw? Feeling ko naiihi na ako nito eh. Good timing talaga! WAAAAHHHH!!!! Pagbigyan niyo na ako humiyaw sa isipan ko dahil hindi pwede sa harapan niya, kakahiya no!
Tinignan niya lang ako sa mata saka sa. . .
Boobs? Duh! Ang manyak ng isipan mo Maxine! Ikaw pagnanasaan? Ng isang Samuel Franco? Duh! Pero kahit na! babae po ako! Pero syempre dahil sa pasasalamat ko sa kanya hindi na ako humiyaw at nagalit sa kanya. Crush ko kaya siya! Yiehh! *blush*
“A-eh S-salamat”
Shet! Nahihiya ako! Lalo pa at ngayon niya pa ako nakita! Hindi man lang ako nakapag-ayos! Grabe good timing talaga!
Tinignan niya lang ako tapos naglakad na siya paalis. Ang bastos ng baby Sam ko! Ni walang ‘Your welcome’ o kaya ‘it’s ok’ or ‘nevermind marami kami niyan’ kahit ganun man lang wala!
Tinitignan ko lang siya naglalakad patalikod sa akin ng bigla siyang nagsalita.
“Don’t look at me that way, you’re scary and. .(tinignan niya ako sa dibdib) . . huwag mo ng takpan, walang nakikita” then he smirk! At naglakad palayo.
Tinignan ko yung dibdib ko! Pakat na pakat ang floral ko na bra! Shet! Nakakahiya! Saka anong sabi niya? Ako? SCARY? Kakapal pala ng mukha niyang baby Sam ko na yan! Feeling ko nilapastangan ang aking pagkababae! Shet! Bwishet!
Saka ano pa bang sabi niya? ‘huwag mo ng takpan, walang nakikita’ ang kapal ng pagmumukha niya! Hindi porke crush ko siya! Pwede na niya kong ganunin. Maglaban pa kami sa quiz bee eh talo siya! Nasa 2nd section kasi ako siyempre 1st section buti hindi kami classmates!
Badtrip talaga! Pero…… bakit mas nangingibabaw pa rin ang pagkakaCRUSH ko sa kanya. Kahit anong mga pinagsasabi niya kanina sa akin. Tignan mo naman, inaamoy amoy ko pa yung towel niya, may nakaburda na SamF! Para akong baliw dito! Ayoko pa pong ma-mental!
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a DJ [Completed]
Teen FictionIsa akong babaeng inosente sa larangan ng pag-ibig. Wala akong pangarap pagdating sa salitang pagmamahal. Dahil isa lang ang taong nagparamdam sa akin kung ano ba ang salitang pagmamahal. Walang iba kundi ang DJ na lagi kong pinakikinggan gabi-gabi...