Chapter Six
Maxine’s POV
Pagkagaling namin sa faculty ni Mike ay agad na kaming bumalik sa room. Pagkabalik namin sa room ay may bakas ng ngiti sa mukha naming dalawa ni Mike at ang saya-saya ko ^_^. Nagsiuwian na rin ang mga ilang estudyante pero yung tatlong baliw na mga kaibigan ko eh nandito pa pakiramdam kong makikitsismis lang yang mga yan.
“Oh ang saya-saya ata natin ngayon ah” pambungad na sabi ni Gia. Intrigera talaga.
“Kayo na masaya, anong meron?” sabi naman ni Lea.
“Dalawa na kasi ni Mike na makiki-contest sa quiz bee sa Monday” masayang sabi ko sa kanila.
“Talaga? Congrats best! Sabi ko naman kasi sa’yo eh may awa ang Diyos!” umaarte na sabi ni Lea.
“Ang OA mo naman!” sabi ni Loraine sabay batok sa kanya nasaktan tuloy haha.
“Aray! Naman Loraine kapag ikaw binatukan ko lilipad ka hanggang kabilang mundo!” sabi ni Lea.
“Parang kaya mo naman” sabi ni Loraine na tila naghahamon.
“Wait-wait! Ano ba kayo hindi ba kayo masaya?” pag-aawat ko sa kanila magsisimula nanaman kasi yung mga walang kwentang mga usapan nila. Tsss
“Syempre naman girl! Congrats ha! At sa’yo din… Mike” sabi ni Gia at nagbeso beso pa sa akin at kay Mike, hindi naman ata halatang nagpapacute siya.
“Oo nga eh, buti na lang kasama si Maxine hindi ko kasi alam kung anong mangyayari kapag ako lang mag-isa” sabi naman ni Mike.
Nagkwentuhan lang kami saglit at pagkatapos nun ay umuwi na rin , kami na lang din kasi natitira dito sa school. Naglalakad na ako palabas ng gate ng biglang may kotse na huminto sa harapan ko.
Sino naman kaya yun?
Binuksan nung nasa passenser seat yung bintana at nakita ko si Mike.
“Sabay ka na sa amin, hatid na kita ^_^” sabi ni Mike na nakangiti pa kainis talaga yang mga ngiting yan hindi ko ata matatanggihan pero nakakahiya naman kasi.
“Ah- eh, Huwa-”
Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil hinila na niya ako papasok ng kotse. Grabe nahihiya talaga ako si Mike at yung si manong driver lang ang sakay nito kaya tahimik.
“Hmm, san ba yung bahay niyo?” tanong ni Mike.
Nahihiya akong magpahatid kasi hindi naman kalakihan yung bahay namin maliit lang.
“S-sa may V-Vicente St. lang” nahihiya kasi talaga ako kahit sabihin niyong close na kami hindi pa rin kasi kami magka-level pagdating sa style ng pamumuhay kahit nga yung mga kaibigan ko nahihiya ako na papuntahin sila sa bahay pero makukulit lang talaga kaya sila na ang dumadalaw at ginugulo ang mapayapang buhay ko sa bahay namin.
“Ah ok, ngayon alam ko na ^_^” nakangiting sabi niya ang cute niya talaga ngumiti.
“Eh i-ikaw?” tanong ko sa kanya gusto ko lang din kasi malaman.
“Ah ako?”
Malamang di ba? Kahit kailan talaga napaka slow nitong lalakeng to matalino pa man din. Di ko nalang pinilosopo ihahatid na nga lang ako eh di ba? Kaya behave muna ako.
“Oo ikaw, alangan naman si Manong, di ba manong?” ay shet grabe talaga tong bunganga ko nadamay pa si manong di ko kasi mapigilan eh.
“Ah hehe opo naman ma’am” sabi na manong na tila nahihiya. Napahawak na lang sa batok niya si Mike. Best in slow ata to eh.
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a DJ [Completed]
Teen FictionIsa akong babaeng inosente sa larangan ng pag-ibig. Wala akong pangarap pagdating sa salitang pagmamahal. Dahil isa lang ang taong nagparamdam sa akin kung ano ba ang salitang pagmamahal. Walang iba kundi ang DJ na lagi kong pinakikinggan gabi-gabi...