Chapter Twenty
Maxine’s POV
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Nandito ako ngayon sa loob ng kotse ni Sam. Kasabay siyang pumasok sa school. Kung panaginip man ‘to sana hindi na ako magising. Akala ko joke lang ang lahat ng sinabi niya sa akin, Una, siya daw si DJ Ken, syempre hindi agad ako naniwala pero ngayon mukhang naniniwala na ako. Pangalawa, susunduin niya daw ako para ihatid sa school. Ayun na nga at sinundo niya ako.
Nung una, si ate Mina panay ang kulit sa akin kagabi pero sinabi ko rin naman sa kanya ‘yung dahilan. Ayaw pa nga maniwala ni ate Mina eh. Pero sa huli naniwala na rin siya lalo pa kaninang umaga nung biglang dumating si Sam sa bahay para sunduin ako. Nakikain pa ng breakfast sa amin? Grabe hindi talaga ako makapaniwala. Ano naman kayang nakain niya at parang biglaang paglapit niya sa akin.
Hindi naman siguro sapat na dahilan lang ang pagiging idol ko sa kanya bilang si DJ Ken. Ambilis kasi ng mga pangyayari. Kahit kayo nagtataka rin no? Pare-pareho lang tayo.
“Nasa school na tayo, baka gusto mong tumira na dito?”
Alla! Kainis nakatulala na pala ako dito panay ang pag-iisip hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa school.
“Ah hehe, sensya na bababa na” Napakamot na lang ako sa ulo ko. Shet nakakahiya.
Bumaba na siya sa kotse at ganun din ako. Alangan naman na pagbuksan niya pa ako di ba? Ang assumera ko na nun.
Pagbaba ko SA KOTSE NI SAM. Inaasahan ko na ‘to. Ang mga die-hard fan lang naman ni Sam ang mga nakatingin sa amin. Hays ano ba naman ‘to. Gulo nanaman ba?
Naglalakad na ako papuntang building ng nararamdaman kong sumusunod siya. Bakit naman kaya? Anong kailangan niya? Stalker ko na ba siya? At sinusundan na niya ko? Hays napaka-assumera ko talaga kahit kailan. Huminto ako saglit para lingunin siya at tanungin.
“Bakit ka sumusunod?”
“Hindi kita sinusundan, magkatabi lang ang rooms naten, remember?” saka siya nauna ng naglakad paakyat ng hagdan patungong second floor.
Napasapak na lang ako sa noo. Boba ko talaga kapag si Sam na ang nasa harapan ko ay mali likuran pala ah basta! Nawawala ako sa sarili ko eh. Hindi ko manlang naisip na magkatabi lang pala kami ng room! Nakakainis!
Umakyat na rin ako papuntang room ko. Pagkadating ko naunahan na ako nila Lea, Loraine at Gia pati na rin si Mike nandun na. Bakit ba nitong mga huling araw eh hindi na ako ang early bird? Don’t worry hindi ka naman late Maxine.
Naupo na ako sa upuan ko tapos hinarap si Mike. Namiss ko ‘tong mokong na ‘to eh hindi kasi siya masyadong nagpaparamdam.
“Hoy, Mike”
“Bakit panget?”
Aba! Sinabihan akong panget ah! Hindi naman niya ako tignan busy pa rin sa pagsusulat.
“Anong panget ka diyan?”
Inagaw ko ‘yung notebook na sinusulatan niya.
“Patingin nga neto”
“Akin na nga ‘yan!”
“Ayoko nga!” pagmamatigas ko sa kanya.
“Ayaw mo ibigay ha!”
Akmang lalapit na siya dahil tumayo. Habang ako nakaupo at nakatingala sa kanya at yakap-yakap ‘yung notebook niya.
“Good morning class”
Dumating na si Mrs. Reyes. Kaya napaupo rin siya at ako naman napaayos din ng upo. Binalik ko na ‘yung notebook niya kawawa naman baka umiyak hehe. Dinilaan ko na lang siya saka inirapan na tila nangiinis hahaha. Nakakamiss ‘yung ganun na ginagawa ko sa kanya. Cute niya kasi mainis. ^_^
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a DJ [Completed]
Ficção AdolescenteIsa akong babaeng inosente sa larangan ng pag-ibig. Wala akong pangarap pagdating sa salitang pagmamahal. Dahil isa lang ang taong nagparamdam sa akin kung ano ba ang salitang pagmamahal. Walang iba kundi ang DJ na lagi kong pinakikinggan gabi-gabi...