Chapter Thirty Five
Maxine’s POV
Palakad lakad lang ako sa buong university dahil hinahanap ko ang mga kaibigan ko. Dahil sa pagod ay naisipan kong bumili muna ng maiinom ko sa isa sa mga booth dito. Habang umiinom ako ay tila mabilaukan na ako dahil sa tila kabuteng pagsulpot ng mga kaibigan ko sa harapan ko.
“Maxine!!” sabay na hiyaw ng dalawa kong kaibigan sa akin sabay yinakap nila akong sabay.
“Eeekk, h-hindi a-ako m-akahinga”
“Ay sorry sorry” sabi nila sa akin. Mga bruha talaga tong dalawang to my balak pa akong patayin.
“Kanina ka pa namin hinahanap ha! Andito ka lang pala!” panenermon sa akin ni Lea.
“Kaya nga naman, ikaw Maxine pansin ko lang nitong mga huling linggo napaka tahimik mo at lagi ka na lang busy” tapos lumpit siya sa akin saka hinaplos haplos ang mukha ko. “Normal ka pa rin naman, tao ka pa rin pero parang hindi ikaw ‘to”
Tinapik ko ‘yung kamay ni Gia sa mukha ko. “Busy nga lang ako ‘di ba? Saka galing akong guidance office may inasikaso ako dun, teka asan nga pala si Loraine?”
Pansin ko kasing dadalawa lang sila ni Gia at wala sila Mike at Loraine.
“Ah ‘yun ba. Huwag mo ng tanungin. Andyan lang ‘yun sa paligid nagsosolo oh I mean nagdedate haha”
“Gia’s right. Mukhang nagkakamabutihan na ‘yung dalawa ah. It is nice seeing Loraine smiling again”
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Lea. Tama siya. Ngayon lang uli naming nakita si Loraine na ganito kasaya. Pero merong bahagi sa sarili ko na nangangamba sa pwedeng mangyari sa oras na may malaman siya patungkol sa pagitan namin ni Mike. Na sinabi niyang mahal niya ako. Ang hirap naman kasi aminin kay Loraine ang tungkol dun eh. Mas mabuti pang ‘wag na lang niyang malaman.
“Gutom na ko!! Tara ‘dun sa may café booth may poging barista ‘dun hihi”
Sinapak ni Lea ang braso ni Gia. “Umayos ka nga Gia”
“Sabihin mong kinikilig ka lang dahil sila Kean ang barista sa café na ‘yun achuchu” sabay pinagtutusok ang tagliran ni Lea. Pansin ko naman ang pamumula ng pisngi niya dahil dito. Nakakatuwa naman.
“Tigilan mo ko Gia! Halika na nga Maxine! Iwan na natin ‘yang bruhang ‘yan”
“W-wait dahan dahan naman sa paglalakad” pag-aawat k okay Lea dahil sa sobrang bilis niyang maglakad.
“WAIT MGA BEST!!!” napailing na lang ako sa mga kaibigan ko. I’m still blessed. May mga mabubuti pa akong kaibigang nandito sa tabi ko para mawala ang mga bagay na iniisip ko.
Loraine’s POV
“Tara Mike sakay tayo dun!” pag-aaya k okay Mike na sumakay sa vikings. Hindi naman siya umangal at sa halip ay sumunod naman siya sa akin habang hawak-hawak ko ang kamay niya. Grabe first time kong makaramdam ng ganito. Dati na babaduyan ako sa mga taong sinasabi nilang tila may mga paru-parong lumilipad sa kanilang mga tiyan kapag kinakabahan o kaya naman ay dumadaan ang mga taong mahal nila. Binabawi ko na lahat ng ‘yun dahil ngayon tila nagpaparty party na ang mga butterfly sa tiyan ko. Grabe na ‘to! Kinikilig ako kapag nagkakahawak kami ng kamay ni Mike.
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a DJ [Completed]
Novela JuvenilIsa akong babaeng inosente sa larangan ng pag-ibig. Wala akong pangarap pagdating sa salitang pagmamahal. Dahil isa lang ang taong nagparamdam sa akin kung ano ba ang salitang pagmamahal. Walang iba kundi ang DJ na lagi kong pinakikinggan gabi-gabi...