Chapter Seventeen

195 9 0
                                    

Chapter Seventeen

Maxine’s POV

Nararamdaman ko na lang na pinagpapawisan na ko. Grabe, ang init init nga eh! Kanina ulan ng ulan. . .ngayon naman sobrang init! Ok naman itsura ko ngayon di ba? Hindi naman ako panget eh. Ok na rin ‘to.

Pumasok na kami sa ABC station kung saan ume-ere ang program ni DJ Ken.

Hingang malalim Maxine kaya mo ‘yan! HOOOOOHH!!

Naramdaman ko na lang na biglang may humawak sa kamay ko.

“Ok ka lang ba?”

Tumango-tango na lang ako kay Mike.

“Huwag kang kabahan ^_^” nginitian ko na lang siya.

Thanks Mike ha? Andami mo ng binibigay sa’kin pati ba naman ito? Thankful talaga ako. SOBRA!

Tinignan ko yung orasan ko. 12am na pala. Grabe nagpupuyat pa sila para samahan ako dito. Bakit ba kasi kailangang maging idol ko si DJ Ken eh. Nandadamay pa tuloy ako.

“I’m so ready na!” akala ko ako lang ang excited pati pala sila Gia at Lea. Pero si Loraine relax lang na sumusunod sa amin habang naka-crossed arms pa.

“Dito muna kayo ha? Magtatanong lang ako sa loob”

“Samahan na kita, Mike”

“Huwag na Maxine, mas maganda pag-suspense” kainis talaga tong Gia na to eh! Gusto ko talaga sumama. Pero sige na nga wag na lang.

“Ako na lang Mike sasama sa’yo” ok fine, si Loraine na ang sumama kay Mike! Sabagay close na nga sila eh. Hindi ko ba alam kung anong pinakain ni Mike kay Loraine at biglang bumait.

“Sige ^_^” at umalis na sila.

Naiwan kaming tatlo nila Gia at Lea dito sa lobby. Kinakabahan pa rin talaga ako. Hindi ko nga sure kung magpapakita yun eh. Kasi maraming nagsasabi na hindi daw talaga nagpapakita yun. Kahit anong pilit ang gawin walang nagpapakitang DJ Ken. Kahit nga ilang DJ eh hindi din siya kilala, ewan ko ba kung paano nakakapasok yun dito kung wala namang nakakakilala sa kanya. Napaka-anonymous talaga.

30minutes na ang lumipas hindi pa rin sila dumadating. Kinakabahan na ako. Baka ayaw din niyang magpakita. Huwag na nga akong mag-expect. Dahil sa tagal ng paghihintay naiihi na ako.

“Uy, cr muna ako naiihi na ako eh”

“Sige mag-cr ka muna tapos kapag dumating na si DJ Ken, papaalisin na din namin siya agad para pag dumating ka wala ka ng makita hahahaha”

“Ang sama mo Gia! Naiihi na nga ko eh”

I'm in Love with a DJ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon