Chapter Twenty Seven

191 11 0
                                    

Chapter Twenty Seven

Maxine’s POV

Andito ako ngayon sa bahay nila Gia. Tumitingin ng damit na pwedeng isuot sa engagement party ng kapatid ni Mike. Sabado na ngayon at bukas na ang engagement. Hindi ko alam pero bakit parang kinakabahan ako na pumuntang party?

“Oh eto Maxine, try mo bagay sa’yo ‘yan” nakangiting sabi ni Gia sa akin. Sa aming apat na magkakaibigan kami talaga ni Gia ang sobrang close sa isa’t isa.

“Eh ikaw? May damit ka na ba?”

“Huwag mo akong intindihin, marami pa akong dress dito no, kaya shupi isukat mo na ‘yan”

Sabay tulak sa akin sa kanyang study room na maliit sa loob ng kwarto niya. Malaki rin naman kasi itong bahay nila kaya maraming pasikot-sikot.

Tinignan ko ang sarili ko sa isang salamin bago ako lumabas.

“Hays, para naman atang mamahalin itong damit na ito para sa akin”

“Hoy Maxine! Katagal tagal mo ah! Anong seremonyas ba ang pinag-gagawa mo diyan!”

Psh. Ang lakas talaga ng boses niya. Wala na akong nagawa kundi ang lumabas at ipakita ang sarili ko habang suot ang dress na pinili niya.

“Wow Maxine, mukha ka ng tao!”

“Gaga, pero mukha atang mamahalin itong damit na ito para sa akin”

“Ano ka ba! Ayos lang ‘yan no? Naku perfect sa’yo ‘yang damit na ‘yan!”

“Sira! Oh pano? Kailangan ko na ring umuwi”

“Sige pero bago ka umalis magbihis ka muna ok? ‘wag mo sabihing sa sobrang excitement ‘yan na ang susuotin mo mula bukas? hahaha”

“Baliw ka talaga, malamang magbibihis ako, ikaw nga diyang sobrang excited eh!”

Pagkabihis ko ay agad na akong umuwi sa amin. Ipapahatid sana ako ni Gia sa driver nila ng malamang nakaleave pala ito.

“Sige Gia, magcocommute na lang ako”

“Hindi ko papayagang magcommute ka! Kargo de konsensya kita kapag may nangyaring hindi maganda sa’yo, teka ipapahatid kita kay kuya George”

“Alla ‘wag na Gia! Ano k aba? Nakakahiya sa kuya mo ginawa mo pang driver!”

“Ok lang ‘yan, alam ko kasi may lakad ‘yan ngayon, teka lang ha?”

“KUYA GEORGE!!!!!!!!!!!!!!!”

Halos mapatakip na ako ng tenga sa sobrang lakas talaga ng boses niya! Grabe daig pa ang napakalaking speaker sa lakas! Nakatodo ata ang bass dahil dumadagundong sa lakas!

I'm in Love with a DJ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon