Chapter Eighteen
Maxine’s POV
Hindi pa rin talaga ako mapalagay. Hindi na rin ako nakatulog. Iniisip ko pa rin yung text message. DJK? Marami namang acronym na ganun eh. Bakit naman kasi DJ Ken pa ang unang pumasok sa isip ko? Kainis!!
Tinignan ko yung orasan ko. 4pm pa lang. May one hour pa bago mag-uwian. Naglalaro ang isipan ko kung pupunta ba ako o hindi. Baka naman si Nina yun? Pinagttripan nanaman kami. . . kagaya nang nangyari kanina.
Flashback
10:30 am After P.E class
“Girl! Basang basa na tayo ng pawis! Ang hirap ng P.E natin kanina ah! Ang hirap kayang magcurl-ups!”
“Para namang andami mong nagawang curl-ups Gia ah! 5 lang naman hahaha”
“Ah basta! Ang hirap hirap talaga! Tara na magbihis!”
Kahit kailan napaka-arte talaga ni Gia. Pero sanay naman na kami. Maglalakad na sana kami papuntang locker room para makapagbihis ng school uniform ng may masamang hangin nanamang dumating.
“Oh Wait!”
“Ah sorry, bye!”
What?! Ano yun? Sila ng mga alipores niya nanaman? Ano nanamang pumasok sa isip nila at bigla-bigla na lang silang aakbay sa aming apat? Parang tanga lang tapos biglang mag-bbye? Ang labo din nila minsan eh.
“Ano nanaman kayang trip nung Nina na yun? Hindi na ba siya nakuntento na pinturahan niya ng red ang upuan nating apat? Bwisit talaga!”
“Relax lang Gia, buti nga akbay lang natanggap natin eh”
“Napakalaki ng pinagbago ni Nina simula nung nagbreak sila ni Sam, tsk iba na talaga pag naiinlove” tama si Loraine. Hindi naman ganyan si Nina eh. Lalo na ngayon at kami naman ang pinagttripan niya. Si Mike naman nilalandi niya lang naman. Parang ewan. Teka speaking of Mike? Asan na si Mike?
Naglalakad kami sa corridor papuntang locker room. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Bakit kaya? Anong meron at natatawa pa sila? ‘yung iba parang ewan iba-iba ang expression.
Nagtuloy-tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa dumaan na kami sa gymnasium namin. Kailangan mo muna kasing dumaan dito bago mo marating yung mga locker room na nasa gilid ng gym.
“Uy, bakit andaming tumitingin sa atin? Ano bang meron?”
“Para ganun lang Lea, malamang nagagandahan sila sa’ken!”
Hays nagawa pang magbiro ni Gia. Bigla naman kaming napahinto sa paglalakad dahil nakasalubong nanaman namin si Nina at ang kanyang mga alipores. Parang ewan lang. Mga mushroom in disguise lang. laging sumusulpot. Tsss.
“Ano nanaman ba Nina? Ayaw namin ng gulo, please lang” pakiusap ko sa kanila.
“Gulo? Nagkataon lang na dito kami dumaan katatapos lang naming magbihis tapos aakusahan mo kaming nanggugulo?”
“Wala naman akong sinasabing ganun, I mean if you always pop up infront of us there is always a trouble happening”
“You mean? ME? NINA FAYE GARCIA? A TROUBLE?!”
Nagtaas nang boses si Nina na dinig na dinig sa buong Gym. Ayoko lang naman ng gulo pero ano nanaman ba to?
“Alam mo Nina?. . . Punong-puno na talaga ako sa’yo! Ang sarap mong gilitan at balatan ng buhay! Alam mo ba yun? Kaya kung ayaw mong masira ang mukhang pina-plastic surgery mo lumayas ka sa harapan namin kundi kakaladkarin ka namin hanggang gate!!!”
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a DJ [Completed]
Teen FictionIsa akong babaeng inosente sa larangan ng pag-ibig. Wala akong pangarap pagdating sa salitang pagmamahal. Dahil isa lang ang taong nagparamdam sa akin kung ano ba ang salitang pagmamahal. Walang iba kundi ang DJ na lagi kong pinakikinggan gabi-gabi...