Chapter Thirty One
Maxine’s POV
Lunes na lunes pero wala akong ganang pumasok. Masakit ang ulo ko dahil sa hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa mga nangyari at nakita ko at isa pa, masakit ang paa ko dahil sa pagkakatapilok ko dala ng pagtakbo-takbo ko.
Tinignan ko ang orasan sa wall clock ko at nakita kong tanghali na pala alas dose na ng tanghali pero wala pa rin akong ganang lumabas.
“Maxine, anak. Hali ka na dito sa baba, kakain na tayo ng tanghalian”
Narinig ko si mama na kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Buti na lang mabait si mama at hindi niya ako pinagalitan at hindi ako pumasok ngayon. Hindi kasi ako pala-absent dahil sa may iniingatan akong scholarship at kailangan kong ma-maintain ang pagiging first honor.
“Opo ma, susunod na po ako”
Bumangon na ako sa higaan ko at nagdiretsong c.r para makapaghilamos at pagkatapos nun ay bumaba na ako sa kusina. Paika-ika pa rin ako sa paglalakad dahil sa masakit pa rin talaga ang kanang paa ko. Tila napasin naman ni mama ang problema sa paglalakad ko kaya inalalayan niya ako para bumaba.
“Anong nangyari sa paglalakad mo anak? Bakit ka paika-ika?”
“Natapilok lang ako kagabi ma”
“Dahan-dahan lang kasi sa paglalakad anak, napakalampa mo pa man din”
Hindi na lang ako nagsalita pa dahil baka maiyak lang ako kapag maaalala ko ang nangyari kagabi sa party. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko kapag papasok ako sa school, kung paano ko ba kakausapin si Mike. Kaso, wala naman siyang alam na nakita ko ang nangyari eh. So, pwede ko siyang kausapin ng normal at isiping wala akong nakita? Kaso, mahirap sa parte ko eh! Ang hirap magpretend na wala kahit merong mali! Parang ayoko na tuloy pumasok! Kainis na buhay bakit ba ko nagkakaganito dahil lang sa nakita ko si Mike na may kahalikan??!!
“Anak, lalamig ang pagkain kung tititigan mo lang ‘yan”
Nagising na lang bigla ang diwa ko ng marinig ko si mama na magsalita. Nakatulala lang pala ako sa pagkain ko.
“Ah eh, sorry ma”
“May problema ba anak?”
“W-wala n-naman ma, masama lang ang pakiramdam ko” pagsisinungaling ko.
“Pansin ko nga na mukhang masama ang pakiramdam mo, kaya sige magpahinga ka na lang pagkatapos mong kumain ha?”
“Opo ma”
Saka ako nagpatuloy sa pagkain ko. Matapos kong kumain ay dumiretso na nga akong kwarto ko at nahiga muli sa kama ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang mag advance reading sa mga libro ko sa school. Ayoko pa rin kasing mabehind sa klase kapag pumasok na ako bukas, kailangan may alam ako.
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a DJ [Completed]
Teen FictionIsa akong babaeng inosente sa larangan ng pag-ibig. Wala akong pangarap pagdating sa salitang pagmamahal. Dahil isa lang ang taong nagparamdam sa akin kung ano ba ang salitang pagmamahal. Walang iba kundi ang DJ na lagi kong pinakikinggan gabi-gabi...