Chapter Twenty One

176 10 0
                                    

Chapter Twenty One

Maxine’s POV

Kasalukuyan kaming nasa school clinic ni Sam. Dinala niya kasi ako dito dahil na rin sa sobrang sakit ng likuran ko! Kainis talaga ‘yung Bianca na ‘yun! May pagka-Amazona pala! Psh, buti ganito lang ang natamo ko.

“Hindi naman malala ang nangyari sa’yo, tila nabugbog lang ‘yung likod mo dahil sa lakas ng impact na natamo nito, kailangan lang ng cold compress para mawala ang pamamaga, here gamitin niyo”

Kinuha ko ‘yung ice pack na iniabot nung nurse.

“Sige po ako na lang ang maglalagay”

“Pasensya ka na, hindi ako ang makakapaglagay niyan dahil may mas malala pa akong inaasikaso dito, andami na kasing estudyante dito ang matitigas ang ulo” saka umiling-iling pa siya. Anong ibig sabihin niya matigas ulo ko? Kaya ako na-clinic?

“Sige po, ako na lang maglalagay nito”

“Naku, ‘wag na ako na lang”

“Sige, mabuti pa nga, maiwan ko na kayo ha?”

“Per-”

Hindi ko pa tapos ang sasabihin ko ng kinuha ni Sam ‘yung ice pack saka tumayo at umupo sa bandang likuran ko.

“Taas mo”

“Huh?”

“Sabi ko itaas mo ‘yung damit mo”

“Duh? Ayoko nga!”

“Ano bang iniisip mo? Sa gwapo kong ito? Pagsasamantalahan ka? Tsk, wala rin namang nakikita *smirked*”

Aba-aba! Akala neto kung sinong gwapo! Oo na crush na kita! Pero .. .’di pa ko ready no! ay ano ba ‘yan! Napapadpad na sa Greenland ang isip ko! Sila Gia kasi nahawa na ‘ko. Erase! Erase!

“Huwag ka na kasing maarte”

“Oo na!”

Medyo itinaas ko lang ‘yung blouse ko pero nakatakip naman ‘yung harapan ko at naka-bra naman ako no? at hindi na floral. Buti na lang.

“Aray”

“Ay, sorry, ‘yan. . masakit pa ba?”

“H-hindi, ok lang”

 Patuloy pa rin sa pagcocold compress si Sam sa likuran kong nabugbog ng pader. Ang sakit talaga. Pero parang gumagaan ang pakiramdam ko dahil si Sam mismo ang kasama ko ngayon.

I'm in Love with a DJ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon