Chapter Twenty Nine

176 10 0
                                    

Chapter Twenty Nine

Maxine’s POV

Napahawak na lang ako sa leeg ko ng maramdaman kong may parang pinatong dito si Sam. Hindi nga ako nagkakamali at ito nga ‘yung angel pendant na pinili ko sa jewelry shop nung magkasama kami dati, pero bakit sa akin niya binigay? Anong ibig sabihin niya dito? ‘yung mga sinabi niya kanina? Naguguluhan ako!

Kaya hinarap ko na siya mula sa likuran ko at tumayo na rin ako.

“T-teka, a-anong ibig sabihin nito Sam? Di ba ito ‘yung binili mo dati? Ako pa nga pinagpili mo dito dahil may pagbibigyan ka nito diba?” tuloy-tuloy kong tanong sa kanya.

Isinuksok niya sa kanyang bulsa sa pantalon ang kanyang magkabilang kamay saka ngumiti.

“Ayaw mo ba?” tanong niya na parang nagpapaawa pa.

“Hindi sa ayaw, kaso ang mahal kaya nito tapos ibibigay mo lang sa’ken? Haler? Wala po akong pambayad”

“Para sa’yo ‘yan Maxine, you deserve to wear that tonight. Huwag kang mag-alala libre ‘yan and take that as a gift”

“Gift? ‘di ko naman birthday eh”

“Kailangan ba talagang birthday ng isang tao para regaluhan siya?”

Hindi na ako naka-angal pa ng biglang may babaeng medyo may edad na ang dumating.

“Sam, andito ka lang pala, your dad and your cousin Mike is also looking at you, oh wait who’s this girl Sam?”

Sinong magpinsan? Si Sam at Mike magpinsan?!

“She’s Maxine ma, my friend and schoolmate”

“Hello po, ma’am” saka ko inabot ang kamay ko sa kanya at inabot niya naman ito. Buti na lang mabait ‘tong mommy ni Sam. Akala ko suplada.

“Nice meeting you Maxine, oh well come inside, the party is about to end with a dance”

Nauna ng naglakad papasok sa loo bang mommy ni Sam at naiwan kaming dalawa dito, hindi pa rin ako maka get-over. Magpinsan talaga sila ni Mike?! Bakit wala namang nababanggit si Mike sa amin? Aish!

“Tatayo ka na lang ba diyan?”

“A-ano?”

“Tsk, wala sabi ko pumasok na tayo”

“Ah o-ok”

Nauna ng maglakad si Sam pabalik sa loob samantalang ako ay nakatungo habang nakasunod sa kanya maglakad habang pinaglalaruan ko ang mga daliri ko. Nahihiya kasi ako sa kanya eh. Saka ‘yung nangyari kanina parang panaginip lang. Ano ba kasi talagang gusto niyang sabihin sa akin? Di ko gets eh! Kung sana problem sa trigonometry at physics ayos pa kaso ‘yung ngayon hindi ko alam eh.

I'm in Love with a DJ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon