Chapter Three

283 10 1
                                    

Chapter Three

Dahil alam kong may long-quiz kami ngayon kaya minabuti kong bumangon ng maaga 8am pa naman ang pasok ko pero 7:30 pa lang nasa school na ko hindi ko ba alam pero sanay na kong nagpupuyat kahit always 12am na ko natutulog maaga pa rin akong nagigising alam naman ng friends ko yang kinaaadikan kong si DJ Ken ang dahilan kaya ako gabi na kung matulog pero kahit ganun I can still balance myself, my time and studies, Naks! Parang ewan haha.

Ako pa lang mag-isa dito sa room at nagrereview na rin ako dahil syempre ayokong mapahiya sa quiz namin mamaya hays nakakahiya naman kasi pag mababa pa makuha ko, alam naman nating expected ng lahat na mataas ang makukuha mo kapag ikaw ang consistent First honor, hays hirap talaga maging matalino.

Natapos na akong magbasa at nagsisidatingan na ang mga classmates ko ng biglang may kumalabit sa balikat ko.

“Huh?”

“Kanina ka pa ba dito?”tanong niya pero alam ko kung sino yan si Mike yan panigurado.

“Oo naman Mike, ako nga pinaka-unang dumating dito eh” pagmamayabang ko sa kanya.

“Hays, iba na talaga matalino” at nagbuntong hininga pa siya, ano ba problema niya? Parang ewan feeling ko kasi ang seryoso ng mukha niya kahit hindi ko nakikita dahil nakatalikod lang ako sa kanya.

Maya-maya pa ay dumating na yung tatlong baliw na mga kaibigan ko, lagi na lang silang magkakasabay dumating pano ba naman sa aming apat ako lang ang napalayo ng bahay at sila likas na mayayaman ako lang ang mahirap sa amin, hindi naman sobrang hirap pero kapag ipagkukumpara lang naman.  Aish.. ang daldal ko talaga. (>.<)

“Kamusta tulog?” bungad na tanong sa akin ni Lea. Kahit kailan napaka-intrigera talaga nitong babaeng to.

Hindi na ako nakapagsalita dahil biglang sumingit tong si Gia.

“Oo nga bakit may eyebags ka? Nakakapangit kaya yan” hays kailangan pa talagang ipa-mukha yan at talagang hinawak-hawakan pa yung mata ko parang ewan lang. sabagay matagal na akong may eyebags di lang halata dahil nakasalamin ako. Ako na GENIUS >.<

“Psh, tong mga to parang hindi na sanay araw-araw naman na nating nakikita yang pagmumukha ni Maxine ganyan na talaga yan at walang pinagbago saka yang eyebags na yan natural lang yan alam niyo naman na siguro kung bakit” hays kahit kailan talaga tong si Loraine medyo suplada hindi ko ba alam kung bakit ko naging kaibigan yan basta mahabang kwento.

“Ah oo, si DJ Ken nanaman, tsk” sabi ni Lea.

“Dagdag mo pa ang long quiz review niya siguradong di na natulog yan” dagdag pa ni Gia.

“Parang hindi naman na kayo nasanay sa akin, ganito na talaga ako noon pa kayo talaga ang aga-aga pinagdidiskitahan niyo na ako” pagsasaway ko sa kanila.

Mga ilang minuto pa ang lumipas at agad ng nag-ring ang bell at dumating na rin si Mrs. Reyes ang adviser namin and at the same time the terror one.

After ng two classes namin ay break time na at syempre sino-sino pa ba ang magkakasama kundi kaming apat, ay lima pala kasama nanaman kasi yung si Mike eh, ewan ko ba pero an tahimik niya ngayon hindi siya umiimik. Naalala ko nanaman yung pagtawag niya sa akin kagabi. Hayss ano ka ba naman Maxine! Nakatulala ka nanaman eh!

Natapos na kaming kumain at bumalik na kami ng room dahil Physics na namin at andiyan na si Sir Rodriguez. Kanina sa canteen natuwa naman ako dahil dumaldal na rin si Mike tinanong ko kasi siya kung bakit ang tahimik niya sagot niya lang sa akin “Wala, trip ko lang gusto kong subukan eh” binatukan ko tuloy ng di oras kainis kasi eh at saka nagtuloy na kami sa daldalan. Hayys ano ba yan napapahaba haha.

I'm in Love with a DJ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon