Chapter Four
Pagkauwi ko ng bahay ay tila wala ako sa mood. Pumanhik na ko sa kwarto ko saka tumalon sa kama at dumapa. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala FIRST TIME na nangyari sa’kin ‘to at sa transferee pang si Mike.
“Ok lang yan Maxine give chance to other, lagi na lang kasing ikaw eh”
Nag-e-echoe sa isip at tenga ko ‘yung mga salitang binitawan kanina sa akin ni Nina. Siguro nga it’s time for me to move on at talagang dadating ang panahon na may makakatalo sa’ken syempre ganun talaga.
Napabuntong hininga na lang ako at sabay napapikit.
Hindi ko na namalayan ang oras dahil nakatulog ako kaninang pagdating ko naka-uniform pa ako kaya minabuti ko ng mag-half bath at bumaba na para naman makatulong. 6pm pa lang naman ng gabi.
Pagkababa ko ay bumungad sa akin si ate Mina mukhang kauuwi niya lang galing sa school.
“Kadarating mo lang ba?” tanong ko sa kanya.
“Obvious ba? Papasok pa lang ako eh” pamimilosopo niya sa akin, kahit kailan talaga pero wala akong ganang makipag biruan ngayon kaya imbes na makipagtalo mukha namang matatalo ako dahil wala ako sa kundisyon kaya nag fake smile na lang ako at dumiretsong kusina kung saan nandun si mama.
“Hello mama!” masiglang sabi ko. Ayaw ko kasing mahalata niyang malungkot ako.
“Oh gising kana pala anak”
“Tulungan ko na po kayo diyan”
“Sige anak salamat”
Kahit kailan talaga napakabait ni mama, napaka hinhin pa niya magsalita ewan ko ba kung saan kami pinaglihi ng ate ko ni mama dahil ibang iba kami sa kanya kumbaga siya eh binibining Pilipinyana ang style kami ng ate ko eh parang tambay sa kalye kung umasta. Hays.. kinuha ko yung mga plato at iba pang gamit at inayos ang mesa.
“Wow, himala” pambungad na sabi ni ate Mina sa akin.
“Psh, himala ka diyan tinutulungan ko lang naman si mama eh” pagdedepensa ko sa sarili ko, oo minsan lang kasi ako makatulong dito sa kusina pag sinusumpong ng kasipagan at kapag may dinadamdam ako.
“Oh Mina anak andyan ka na rin pala, halika na at kumain na tayo” pag-aayang sabi ni mama.
Nagsalo-salo kaming tatlo sa hapunan as usual lagi naman dahil kami lang nandito sa bahay at si papa nasa Dubai. How I wish na sana umuwi na siya pero promise niya sa akin uuwi siya sa graduation ko J medyo exited lang hihi ^_^
Natapos na kaming kumain at syempre dahil nga masipag ako ngayon ako na ang nag ayos ng lahat naghugas ng pinggan, pinaglutuan pati ang pagwawalis ng mga kalat. Medyo sinusumpong ang ate niyo ngayon eh pagbigyan.
Natapos ko na lahat at aakyat na sana ako ng kwarto ko ng biglang tinawag ako ni ate Mina na nasa sala at tila kanina pa yata ako tinitignan.
“Maxine” seryosong boses na tawag niya sa akin.
Bakit naman kaya?
“Ano yun ate?” kung nagtataka kayo dahil nag “ATE” ako sa kanya syempre mukha lang kaming laging may regla pag nag uusap pero hindi ko pa rin nakakalimutan na mas matanda siya sa akin at sinanay kami ni mama na galangin ang bawat isa. Naks! Nag e-essay nanaman ako >.<
“Tara sa park” nakangiting sabi niya sa akin.
Totoo ba to? Park daw? Hindi naman to nag aaya eh ako kasi laging nangungulit sa kanya pero ngayon siya naman. Ano kaya nakain neto?
“Huwag na gabi na eh saka baka magalit si mama” pagsisinungaling ko kahit gustong gusto ko haha at syempre si mama walang kasama sa bahay.
“Hindi ok lang daw sabi niya sa akin, nagpaalam na ako sa kanya saglit lang naman tayo eh” at nag pout pa talaga yung bruha kong ate haha nagpapacute pa sabagay pareho naman kaming maganda.
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a DJ [Completed]
Teen FictionIsa akong babaeng inosente sa larangan ng pag-ibig. Wala akong pangarap pagdating sa salitang pagmamahal. Dahil isa lang ang taong nagparamdam sa akin kung ano ba ang salitang pagmamahal. Walang iba kundi ang DJ na lagi kong pinakikinggan gabi-gabi...