Chapter Five

264 10 0
                                    

Chapter Five

Mike’s POV

Hindi ako mapakali hindi ko ba alam kung bakit. Iniisip ko pa rin kasi yung reaksyon ni Maxine kanina after iannounce yung score. Kainis naman kasi Mike bakit ginalingan mo pa? parang napahiya tuloy si Maxine bwisit kasi yang mga classmates na yan eh paasa!

Hindi talaga ako mapakali kaya kinuha ko yung phone ko at agad ko siyang tinext. Hindi ako makaisip ng sasabihin ko. Kasalanan ko nga ba bakit ganun ang pakiramdam niya? Pero wait quiz lang naman yun eh.

“Pero importante yun sa standings niya dahil consistent na siyang sci-tech quizzer” sabi ng konsensya ko.

Kainis nangonsensya pa talaga tong konsensya ko. Hindi na ako nagdalawang isip pa at nagtext na ako sa kanya.

To: Maxine Sungit

Sorry, hindi ko kasi alam na mapeperfect ko. Sorry.

“SEND!” napahiyaw pa talaga ako nung sinend ko. Naghintay ako ng ilang minuto pero walang reply.

Napabuntong hininga na lang ako. Minabuti ko na lang na lumabas ng bahay at pumunta sa isang park medyo malayo to sa village kung saan ako nakatira gusto ko kasi ng bagong view eh.

Naglalakad lakad ako ng makakita ako ng dalawang babaeng nagtatakbuhan mukhang ang saya saya nila.

Pinapanood ko lang yung dalawa ng bigla kong mamukhaan kung sino yung isang babae.

“Maxine?” mahinang sabi ko.

Tinitigan ko lang siya at mukhang ang saya-saya niya , napaisip tuloy ako, mukha naman atang hindi na prinoblema ni Maxine yung bagay na yun.

*sigh* “Sana nga lang, dahil kasisimula pa lang namin maging close”

Biglang napahinto yung si Maxine at tila napatingin sa direksyon ko at tumakbo palayo. T-teka? Nakita niya kaya ako?

Pagkatapos niyang mawala sa paningin ko ay sumakay na ko sa kotse at umuwi na ng bahay.

Maxine’s POV

“Ang ganda ata ng gising natin ngayon ah!” pambungad na sabi ni ate sa akin.

“Maganda talaga panira ka lang”  sabay buga ng hangin sa buhok ko.

“Oh, umagang umaga nag aaway nanaman kayo, di ba sabi ko dapat nagmamahalan” sabi ni mama sabay kurot sa mga pisngi namin hindi naman masakit si mama talaga hindi niya kami kayang pagbuhatan ng kamay.

“I love you mama” sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

“I love you din mama” sabi naman ni ate.

“Gaya-gaya ka talaga eh ano?”

“Bakit mama ko din siya no”

Ayan nanaman ang world war sa aming dalawa parang panaginip lang tuloy ang nangyari kagabi sa amin hays hindi talaga ako makapaniwala sa bruhang ate kong ito sinaniban ata kagabi eh.

“Oh sige na kumain na tayo ha at may pasok pa kayo” mahinahong sabi ni mama. Sabi sa inyo eh napaka hinhin talaga niya.

Matapos kong kumain ay pumasok na ako sa school. Syempre medyo kinakabahan ako dahil na rin sa nangyari kahapon pero pinipilit kong ngumiti dahil ayoko namang mag-iba ang turing nila sa akin at mas ayokong baka lumayo loob ni Mike. Wala naman kasi siyang kasalanan eh.

Pagpasok ko ng room ay may mga classmates na akong nag-uusap usap syempre likas na sa amin yan hindi mawawala ang tsismisan.

Dumiretso na ako sa upuan ko ng biglang may kumalabit sa likod ko. Si Mike kaya to?

“BULAGA!”

“Ay butking daga!”

Ay lintik namang Gia to eh ginulat ako makalaglag puso naman yun.

“Bwisit ka! Ginulat mo ako!“ pabulyaw na sabi ko sa kanya.

“To naman hindi na mabiro oh!” sabay tusok sa pisngi ko.

“Oo na pasensya na magugulatin lang talaga”

“Sus, hindi ka naman magugulatin eh, magugulatin ka lang pag may malalim kang iniisip”

Hayys mukhang manghuhula nanaman to.

“Ano ka ba hindi ako manghuhula ah!”

Sabi na sa inyo eh manghuhula nga yan. Kulang na lang ay magsuot ng pang manghuhula style at magdala ng bolang Kristal.

“Yuck! Eew bolang Kristal ka diyan”

Naku mind reader papala ang gaga.

“No , I’m not a mind reader”

“Pano mo nahuhulaan ang mga iniisip ko?” nabibighani na ako dito ah.

“Duh? Kasing lakas pa ng pagbulog mo ang isang napakalaking ng megaphone eh, naririnig ko kaya mga sinasabi mo”

Ay shunga! Nagsasalita pala ako mag-isa hahaha

“Hindi ka shunga!” sabay kindat sa akin. Weew ang weird!

Nagsimula na ang klase at napaka seryoso ng ambiance sa room si Mike tahimik lang siya pero yung iba kong classmates eh as usual maiingay pa rin ako lang ata ang nakakaramdam ng katahimikan dahil hindi ako dinadaldal ni Mike.

Natapos na rin ang recess pero hindi kami nagpapansinan kait sabay-sabay kaming lima sa pagkain. Grabe ang awkward ng moment kanina walang kibuan pero sama sama naman kami, ang weird lang talaga.

Nagdaan ang Phyisics namin pero wala namang nababanggit si sir Rodriguez about sa Sci-Tech quiz bee.

“Mr. Angeles, come with me”

Tumayo na si Mike at sumunod kay sir ng biglang.

“And you… Miss Montes” sabi ni sir, bakit naman kaya?

Nagpunta kami sa may faculty room sa may desk ni sir .

“Bakit kasama ako sir? Di ba si Mike lang naman” tanong ko kay sir kasi hindi ako mapakali eh.

“Alam kong ikaw sanay na sanay ka na sa mga quiz bee contest especially the Sci-Tech quiz bee suki ka na kasi nila eh kaya alam mo na ang technique ng pagbibigay nila ng problems”

“Pero bakit nga kasama ako sir?” hindi talaga ako mapalagay parang may mali dito.

“Ok, straight to the point na tayo, hindi ko na mababago ang desisyon ko na si Mr Angeles ang ilalaban pero you can help him as his tutor alam kong matalinong bata ka at ganun di si Mike pero iba pa rin pag may karanasan ka na sa ganung bagay”

“Pero sir baka naman nakakahiya pwede namang ako na lang mag-isa, maiistorbo lang  si Maxine” sabi ni Mike

“No, she will not be disturb dahil dalawa kayong kasali”

O_O nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko at tila ganun din si Mike.

“Totoo bay an sir?” hindi talaga ako makapaniwala

“Yes, pinadala lang kahapon yung letter dahil nagbago na sila ng mechanics ng game and it will be boy and girl tandem” nakangiting sabi ni sir. Kung hindi ko lang talaga adviser to eh baka hinila hila ko yung dalawang Mr Suave na bigote niya sa tuwa eh ahahaha, ang tanong ok lang ba kay Mike?

“Is it ok with you Mike?” tanong ko sa kanya.

“Oo naman ang saya-saya ko nga eh dahil wala naman talaga akong hilig sa mga ganun eh buti na lang kasama na kita ^_^”

Ayan nanaman ang mga makalaglag panty niyang ngiti nakakainis kaya. pero kahit na masaya ako eh *^_^v

“Ok you can now make your schedule regarding about your study time you can call youselves as study buddy” nakangiting sabi ni sir “I will just give the topics that you need to review and what would be the possible questions to be ask in the quiz bee”

Tumango na lang kaming dalawa ni Mike.

“Ok you can now both go home” sabi ni sir at lumabas na kami ni Mike sa faculty room na may kasamang ngiti sa mukha.

I'm in Love with a DJ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon