Chapter Thirty Nine
Nina’s POV
I was sitting at the edge of the pool while drinking my mango shake when yaya called my attention so I got distracted. I was thinking about him.. about Sam. He didn’t talk to me for a very long time. Magmula ng magmakaawa ako kay Maxine ay wala ni anino ni Sam ang nagpapakita sa akin. Ganito siguro ang nararamdaman niya nung mga panahong pilit niyang isinisiksik ang sarili niya sa akin pero patuloy ko siyang tinataboy. Masakit pala.
“Ma’am Faye, tawag po kayo ng dad niyo”
“Okay” tipid na sagot ko sa kanya.
Wala akong ganang makipag-usap sa kanya. I hate him, I really hate my dad even before. Alam kong may ibang babae siya pero puro katangahan at nagbubulag bulagan lang ang mommy ko dahil sa gusto niyang buo pa rin ang pamilyang ito. See how desperate my mom would be. And now, he’s been manipulating my life. He even forced me to marry someone I didn’t know. Nakapa-old talaga ng patakaran niya.
Kahit ayoko, sige na lang. tumayo na ako saka nagtungong study area ni dad na siyang lagi niyang tinatambayan.
I knocked on his door then he let me in.
“Bakit niyo ko pinatawag”
“I need to say important to you”
“Then what is it?”
“We will be having a dinner tonight with your soon to be husband’s family. You should meet them as early as now for you able to get to know each other and develop into something much deeper relationship”
What?! My God! I’m only 17 years old! Hindi ba pwedeng magpakasaya muna ako sa buhay ko bago nila ako ibugaw sa taong ‘di ko naman kilala at gusto?
“I’m not going”
“You should or else--”
“or else what? Itatakwil mo ko dahil hindi ko itatawid sa pagkakautang ang kumpanya mo?”
“Hindi ‘yun ang gusto kong--”
“Pero yun parin yun dad! Since ate Nica died lahat ng gusto niyo sinusunod ko. Dahil ba hindi niyo pa rin tanggap ang pagkawala niya? Kaya ako ang minamanipula mo? ” naiiyak na ako. Hindi ako masamang anak pero nahihirapan na ako and at the same time happy, happy because finally I have this urge to talk back to my dad. Tumayo si dad saka ako sinampal. Napahawak na lang ako sa pisngi ko because of what he did to me.
“Your useless” after he said it umalis na siya at iniwan akong hawak-hawak ang pisngi kong umiiyak. How can he said those words to me? I’m his daughter! For God’s sake!
I’m on that position when mom came into the scene worriedly. Late ka na, I thought.
“What happen?” saka siya lumapit sa akin at hinawakan ang namumula kong pisngi. I didn’t talk. “Bakit ba hindi mo na lang sundin ang dad mo? Just for tonight. Alam kong magbabago rin ang desisyon niya basta ipakita mo lang na sinusunod mo ang gusto niya. Sige na anak” magsama kayo ng tatay ko! Pero ‘di ko magawang sabihin.
“Okay” then nag-walk out ako at nagtungong room ko.
Nakatulog pala ako at pagtingin ko sa orasan ko ay 7pm na pala. I heard someone knocking on my door.
“It’s open”
Bumukas ito at nakita ko yung yaya ko.
“Nina, hija, pinapasabi ng mommy mo na magbihis ka na raw at mamaya lang ay aalis na kayo”
“sige po”
Buti pa ang yaya ko mabait sa akin at mahal ako. Kung sana siya na lang ang nanay ko mas gugustuhin ko pa.
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a DJ [Completed]
Teen FictionIsa akong babaeng inosente sa larangan ng pag-ibig. Wala akong pangarap pagdating sa salitang pagmamahal. Dahil isa lang ang taong nagparamdam sa akin kung ano ba ang salitang pagmamahal. Walang iba kundi ang DJ na lagi kong pinakikinggan gabi-gabi...