Chapter Thirty Three

144 10 0
                                    

Chapter Thirty Three

Maxine’s POV

Isang linggo na ang lumipas matapos ang pag-amin sa akin ni Loraine na gusto niya si Mike. Dahil sa kaibigan ko siya, medyo iniiwasan kong magsama kami ni Mike dahil ayokong magkaroon ng maling interpretasyon doon si Loraine. She’s my bestfriend. Kahit ayokong iwasan si Mike I’ll do it for her. Napakaraming pagsubok na ang pinagdaanan niya sa buhay, una ay nung nagkahiwalay ang parents niya, pangalawa ay nung malaman niyang may ibang pamilya ang papa niya and the worst thing that ever happened to her is the death of her mother. Kaya I don’t have the guts to say no to her dahil ngayon lang siya muling naging masaya ng ganito.

Masama ba ako? Alam kong may gusto sa akin si Mike pero pinili ko pa ring ipalapit si Loraine sa kanya. Hindi naman siguro malalaman ni Loraine di ba? 

Pero, kahit na iwasan ko pa rin si Mike. He keep on chasing me. Ang awkward kaya ng feeling dahil sa tuwing nagkakaeye to eye kami nagflaflashback sa isipan ko ang gabing naghahalikan sila ni ate shaina. Alam na kaya ni Kuya Marco?

“Hey, hey! Maxine wait!”

Ayan nanaman siya, sinusundan nanaman ako! Please Mike! Dun ka na lang kay Loraine please! Nahihirapan na ako. Bakit naman kasi katagal ng Christmas break?!

Pero dahil sa mabilis talagang maglakad itong si Mike ay nahablot niya ako dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.

“Ano ba Mike? May gagawin pa ako sa office” sabi ko habang hindi siya tinatapunan ng tingin.

Naramdaman ko namang hinawakan niya ako sa balikat ko. “Iniiwasan mo ba ako?”

He got me. Halatado na ba ako? Sa tuwing matatapos ang klase ay agad-agad na akong tatakbo at pupuntang office upang gawin ang trabaho ko bilang student assistant at the same time ay busy ako sa pagiging student officer.

“Bakit naman kita iiwasan? Busy lang talaga ako Mike dahil sa nalalapit na Christmas party”

“Pero-”

“Mike!”

Napalingon ako sa boses na tumawag kay Mike at nakita ko ang nakangiting mukha ni Loraine. Dahil dun ay pilit kong tinanggal ang kamay ni Mike sa braso ko. “Sige, bye” at mabilisang paglalakad talaga ang ginawa ko. Narinig ko pang tinawag ni Mike ang pangalan ko pero hindi ko na siya talaga tinignan pang muli. Feeling ko kasi ang sama-sama kong kaibigan kay Loraine kapag nakakasama ko si Mike. Ewan ko pero naguguluhan talaga ako.

Matapos ang trabaho ko sa office ay naglakad na ako para kunin ang bag ko sa locker room. Uwian na kasi namin. Ganito na ang naging daily routine ko. Pagkarecess time ay tatakbo ako papuntang student council office at after magpalipas ng oras ay babalik na akong room kapag may klase na. kapag uwian naman ay pupunta naman akong office para tulunagan ang teachers sa pag so-sort ng files at sa mga estudyanteng may needs.

“Ay butiki!”

Napahawak na lang ako sa dibdib ko ng makita ko si Sam na parang kabuteng bigla na lang sumulpot sa harapan ko pagkalabas ko ng locker room.

I'm in Love with a DJ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon