Chapter Thirty
Maxine’s POV
Nakasunod lang ako kay Mike habang naglalakad papuntang dance floor. Ewan ko ba, pero iba ang feeling ko ngayon lalo na at si Mike na lagi kong kaaway bati ang magsasayaw sa akin. Parang sobrang saya at gaan ng pakiramdam ko.
Humarap na ako sa kanya at tumingin ng diretso sa mga mata niya. Pansin ko naman ang pagkislap ng mga mata niya na halatang parang sobrang saya niya. Bakit naman kaya?
“Can we?” sabi niya.
“Sure” sabi ko naman saka ko inilagay ang kamay ko sa balikat niya at hinawakan niya naman ako sa bewang at nagsimula ng tumugtog ang kanta.
Take me to your heart
Show me where to start
Let me play the part of your first love
All the stars are right
Every wish is ours tonight my love
Pity those who wait
Trusting love to fate
Finding out too late
That they've lost it
Never let them go
They will never know
The ways of love
“Bakit parang ang saya-saya mo ata? Anong meron?” tanong ko sa kanya habang patuloy sa pagsayaw. Kanina ko pa kasi pansin ang pagngiti ngiti ng mokong na ‘to habang tahimik lang kaming nagsasaway.
Nakita ko naman ang pagpout niya. Kalalakeng tao kahilig magpout, dahil ‘dun kinurot ko ang nguso niya.
“Aray naman” reklamo niya.
“Pout ka kasi ng pout, nakakabakla tignan”
“Gwapo naman”
“Feeling”
“Gwapo pa rin”
“Feeling pa rin”
“Mahal ka naman”
Got to believe in magic
Tell me how two people find each other
In a world that's full of strangers
Got to believe in magic
Something stronger than the moon above
'Cause it's magic when two people fall in love
Halos magpanting naman ang tenga ko sa narinig ko. Anong sabi niya? Sinong mahal niya? Hinihintay ko na sabihin niyang “Joke lang” pero wala. Dahil dun ay napatikom ang bibig ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Pansin ko rin ang bahagyang pagseryoso ng mukha niya.
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a DJ [Completed]
Teen FictionIsa akong babaeng inosente sa larangan ng pag-ibig. Wala akong pangarap pagdating sa salitang pagmamahal. Dahil isa lang ang taong nagparamdam sa akin kung ano ba ang salitang pagmamahal. Walang iba kundi ang DJ na lagi kong pinakikinggan gabi-gabi...