[A/N- continuation lang po ito ng chapter one ^_^]
Maxine’s POV
Eto na nga at sinamahan ko na tong anghel na nakabunggo ko kanina lang pa FC (feeling close) na lang ako sa kanya alam niyo naman sanay na akong makihalubilo sa mga tao dahil sa pagiging Student Officer ng school namin.
Habang naglalakad papuntang canteen ay syempre bilang Student Officer at Top Academic Student dapat kong sabihin sa kanya kung ano-ano ba ang mga nadadaanan namin.
“Dito ang computer laboratory, malaki yan and it can occupy more or less 100 students”
“wow, malaki nga, how about yung garden nay un anong name nun?”
“Ah yan ang science garden, bibihira nagpupunta diyan malamok daw kasi eh hehe”
“Ah ganun ba”
“oo”
Andami dami niyang tanong grabe hmp! Hindi bagay sa kanya haha napakadaldal niya di kaya bakla to? Haha hindi naman siguro -_-. Hanggang sa nakarating na kami sa canteen at patuloy pa rin siya sa pagtatanong ano yan nagpapa-close?
“Hmmm, so ito pala ang canteen niyo malaki siya compare sa ibang canteen ng ibang school”
“Yup! Syempre mayaman tong school kaya dapat lang na magaganda ang facilities”
“sabagay”
Nakabili na rin kami ng meryenda namin sandwich saka C2 solo lang binili ko baka sabihin nito ang takaw ko naman at inaabuso ang pag-treat niya sa’kin pero gaya-gaya naman siya ganun din binili niya.
“Ok, dito na lang tayo maupo”
“Ah sige”
Ggrabe talaga parang ang hirap naman kasama nito panay ang tingin ng mga babae sa kanya baka isipin nila na inuunahan ko sila sa kanya hmp kainis bakit ba kasi kailangang sumama pa ko dito.
“Pwede magtanong?”
Ano naman kaya itatanong niya?
“kanina pa tayo magkasama pero hindi pa kita kilala ng mabuti eh, I want to know more about you ^_^”
Hay ayan nanaman ang ngiti niyang hindi ko matangghihan kanina pa. sabagay hindi pa din naman ninyo ako kilala hehe ang daldal kasi ni author eh.
(a/n: dinamay mo pa ko)
Sorry hehe… sa inyo muna ako magpapakilala bago sa lalakeng to hehe…
By the way I’m Maxine Montes 16 years old batang bata di ba? ^_^ kagaya ng nalaman niyo sa ate ko at dalawa lang kaming magkapatid, yup I’m a consistent FIRST HONOR student ng Maria Eleonor University at SCHOLAR ako kaya hindi man afford ng parents ko nakakapag-aral ako dito gamit ng utak ko hehe, siyempre may mga ugali akong hindi mo aakalaing ugali ng isang matalino minsan kasi nagiging bobo din ako siyempre sa mga bagay na hindi ko alam. Hobby ko? Syempre ang magbasa at making ng FM RADIO yan ang pinaka paborito kong gawin lalo na pag pumatak ang 11:00pm- 12:00am ng madaling araw naririnig ko kasi ang boses ng pinakamamahal kong DJ si DJ KEN kakakilig kasi ang boses niya ewan ko ba hehe basta malalaman niyo din ^_^.
Back to story…
“Ahmm, I’m Maxine…. Maxine Montes”
“Ah, Maxine, nice meeting you, btw I’m Michael Angeles but you can call me Mike”
Iniabot niya sa’kin yung kamay niya para makipag-shake hands, siyempre inabot ko na lang. grabe ang lambot ng kamay niya SUPER SOFT!
“bakit pala dito ka nag-aral? At hindi sa ibang school?”
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a DJ [Completed]
Teen FictionIsa akong babaeng inosente sa larangan ng pag-ibig. Wala akong pangarap pagdating sa salitang pagmamahal. Dahil isa lang ang taong nagparamdam sa akin kung ano ba ang salitang pagmamahal. Walang iba kundi ang DJ na lagi kong pinakikinggan gabi-gabi...