Obsession 2

25.4K 347 43
                                        

Headset


Shane


Nasa sasakyan ako ngayon at nakadungaw lang sa labas ng bintana, makikita ang maraming puno o halos puno lang naman talaga ang nakikita ko papunta sa lugar na hindi ko alam.



"Honey?"



Tawag ng ina ko sakin, siya ang nagmamaneho ng sasakyan nasalikod lang ako, mas komportable ako dito. Ayaw ko siyang makatabi.



"Hmm?" Ungol kong tugon pero hindi parin ako tumingin sa harap. May parte sa loob ko na ayaw iwan ang luma naming bahay. Lilipat na raw kami at papunta na kami roon ngayon, sa lugar na hindi ko naman alam kung saan.



Ngayon ang alis namin, obvious naman, at syempre naiwan na ang bahay namin sa dati naming tinutuluyan. Nando'n pa ang iba mga gamit namin, pero kaunti lang ang dala namin. Iyong mga importante lang.



Ma-miss ko ro'n ang mga tao. Kahit na hindi ko sila kilala o, nakakausap. Atleast... para sa'kin kilala ko na sila sa mukha nga lang.



"Makikita mo na ang dad mo. Hindi ka ba masaya?"



Tanong niya. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay alam kong nakangiti siya. Ramdam ko ang tuwa sa boses niya.



Pa'no ako magiging masaya?



Ngayon na magkakabalikan na kayo, ngayon mo lang rin naisip na may anak ka!



Naghiwalay ang mga magulang ko at halos hindi 'yon nakayanan ng nanay ko. Halos gabi-gabi ng nauwi at lasing pa. Dahil do'n ay nakalimutan niya ang sarili niya at... nakalimutan niya rin ako.



'No!'



Nakalimutan na niya ako! Ngayong nalaman ko na magkakabalikan na sila ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng inis! Kung kailan magkakabalikan na sila ay ngayon niya lang naisip na mayro'n siyang anak!



Ang alam ko ay dalawang taon pa lang ako nang magkahiwalay ang mga magulang ko, at hindi ko alam ang mukha ng sarili kong tatay.



'Wala akong alam masyado sa mga magulang ko lalo na sa tatay ko. Sa totoo lang ay alam ko kung saan kami papunta ng nanay ko. Hindi ko lang maiwasam makaramdam ng galit. Siguro, hindi galit. Baka tampo? Inggit? Inis? Hindi ko alam.



"Happy..." Maikli kong sabi, hindi parin ako natingin sa harap. Parang hindi ko kaya. Hindi ko kaya.



Sila masaya.



Ako?



Masaya ako, oo. Masaya para sa kanila.



Simula ng iwan ng tatay ko ang nanay ko ay puro katulong lang ang nagalaga sa'kin. 'Wala akong naramdaman na pagmamahal galing sa ina't tatay ko.



Masaya sila?



Good for them.



Nang magsawa ako sa kakatingin sa labas ay kinuha ko ang headset sa bag ko na kulay itim at sinalpak 'yon sa tainga ko kinuha ko ang cellphone ko at naghanap ng tugtugin na magpapakalma sa namumuong lungkot sa puso ko.


-----

Twins Obsession  [ 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon