MABILIS ang bawat hakbang ko habang pauwi ng bahay, nananakit ang mga paa ko, at pakiramdam ko na kahit na ano'ng minuto ay matutumba ako. Pa'no ba naman kasi? 'Walang sumundo sa'kin at isa pa... kasalanan ko talaga dahil masiyado akong pabibo.
'At immature...'
Pag-katapat ko pa lang sa gate ay binati na kaagad ako ng mga guwardiya, pero ngumiti lang ako ng tipid. Kahit naman na ganito ako, medyo friendly ako.
'Me...dyo...'
Inalis ko ang pag-kakasukbit ng bag ko sa balikat ko at hinagis sa sofa nang makapasok ako sa loob, umupo ako at tinanday ang ulo ko sa head sofa.
'Pagod...'
Inalis ko ang pag-kakasintas sa sapatos ko para lumuwag at tinanggal na ng tuluyan ang sapatos ko. Kinuha ko ang dalawang pares ng kulay itim na tsinelas sa gilid ko at sinuot papunta sa kusina.
"Good evening, Shane..." Bati sakin ni Manang Coreen. Ngumiti ako at binuksan ang ref at saka kumuha ng isang pitsel na mayro'ng malamig na tubig at nag-salin sa baso na babasagin.
"Good eve rin... asan sila?" Panigurado naman ako na alam na niya kung sino ang tinutukoy ko, ayaw ko lang ilabas sa bibig ko, nakakaasiwa pero sa isip ko lang sinasabi 'yon.
Alam ko naman na bastos talaga ang ugali ko, matanda na si Manang Coreen, at matagal na siyang katulong dito, mabait naman. Mabait talaga si Manang. Pansin ko. At 'wala akong nakikitang dahilan para maging bastos sa kaniya.
"Umalis sila, Shane. Ang sabi ay susundan ka ng kapatid..." Hindi ko nakikita ang mukha niya dahil naka-talikod ako, pero alam kong naka-ngiti siya.
'Sundan?! Ilang taon na ako?! Seventeen! The-Fuck!'
Ano bang paki-alam ko? Siguro gusto ko lang dati ng kapatid pero hindi ako nagkaroon. Sa totoo lang... hindi ko alam ang mukha ng tatay ko, nakita ko lang ang mukha niya nung unang lipat namin dito.
'Daldal...'
Hindi ko na inintindi ang sinabi ni Manang at inalis na 'yon sa isip ko.
Kinuha ko ang pitsel ang binalik sa ref. Umupo ako sa isang upuan at pinag-krus ang dalawa kong braso. Kita ko si Manang na may kung ano'ng ginagawa sa kaldero.
'Nag-sa-sandok, Bitch!'
"Oh hija, kain ka na. Alam kong pagod ka sa skwela." Mas ramdam ko pa ang pagiging ina ni Manang. Halos siya na ata ang nag-palaki sakin? Mabait si Manang, hindi ko lang alam kung sa'n ko nakuha ang ugali ko na 'to.
"Kamusta naman ang pag-aaral?" Dugtong na tanong ni Manang sakin habang nag-lalagay ng mga putahe sa lamesa halos puro paborito ko ang mga luto ni tanda--este Manang.
'Bas...tos...'
"Ok lang naman, sana..." Malamig kong wika at kumuha ng plato kutsara at tinidor.
"Bakit naman 'sana'? Hindi kaba nag-enjoy?" Tanong niya, sumenyas ako ng umupo siya. Pag-nasenyas ako ibig sabihin no'n sabay kami kakain. Halos simula naman pag-kabata ko.
"Masaya sa paaralan na 'yon, Manang. Ang nakakainis lang po ay 'yong mga Jejemon do'n. Akala mo kasi kung sino sila. Sarap durugin ng mga panga." Mahaba kong sabi sabay sandok ng kanin at kuha ng ulam na fried chicken at hotdog.
BINABASA MO ANG
Twins Obsession [ 1 ]
General FictionWARNING: RESTRICTED +18 "It's not love, it's obsession!"