Twins
Shane •
Pinasan ko ang lalake, kinaya ko naman. Hindi naman siya gano'n kabigat, naglalakad lang ako pero napatigil ako ng may humampas sa likod ng pasan ko dahilan para bumagsak siya! Kasama ako!
"Pucha!"
Tinignan ko kung sino 'yon... ang lalakeng sinipa ko. Sa una ay nahirapan pa akong matignan iyon dahil nadaganan ako ng pasan ko.
"Where the fuck do you think you're going, ha?!" Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sakin. Tinignan ko 'yong isa.
'Aba! Okay rin ang bwisit!?'
Bago sumagot ay tumayo muna ako ng maayos.
"Sa hospital..." Sabi ko at pinag-cross ang mga braso ko.
"Ha! You think you can?!" Tinignan ko 'yong pinasan ko. Namimilipit na siya sa sakit.
'May malay ba 'to o 'wala?!'
"Oo, bakit? Madali lang naman pumunta sa hospital, ah?" Halatang nainis siya sa trato ko sa kaniya.
"Do you have any idea who am I, ha?!" Umuusok na ang ilong niya, namumula na rin ang mga pisngi niya. Maputi siya kaya makikita mo agad.
"Sino kaba?" Malumanay kong tanong.
BIGLA NIYA AKONG SINUGOD!!!
Nasapak tuloy ako sa pisngi. Sa lakas ng sapak niya, tumilapon ako! Hindi ko inaasahan ang atake na 'yon! At mas lalong hindi ko inaasahan ang lakas niya!
"Pakshet!"
"Easy..." Nakangisi niyang sabi. Ngumisi rin ako. At tumayo, pinahid ko ang gilid ng labi ko...
'May dugo!'
Pinalapit ko siya gamit ang mga daliri ko, lumapit rin!
'Tibay!'
Sinipa ko siya sa paa pero naiwasan niya. Sinabayan ko ng mabilis at sunod-sunod na sapak, pero nagagawa niya lang 'yon maiwasan ng madali!
"Hirap pala nito!"
Sapak lang ako nang sapak puro naman siya iwas. Sasapakin ko sana siya sa kaliwang pisngi pero ginawa kong kanan...
"KAPOL!!!!"
"FUCK!!!" Tumilapon rin siya, kinuha ko ang tyempo na 'yon para maitumba siya at tumalon ako sabay handa ng siko ko diretso sa tiyan niya.
Kita ko ang mabagal na pagtalsik ng dugo sa kaniyang bibig! Matapos kong masiko ng buong pwersa ang tiyan niya.
Pero nagulat ako sa sumunod na pangyayari, may naramdaman akong hampas mula sa batok ko dahilan para mawalan ako ng malay... pero bago 'yon ay kitang-kita ko ang isa sa kambal na tumayo sa harapan ko at ngumisi na parang demonyo.
----

BINABASA MO ANG
Twins Obsession [ 1 ]
Fiksi UmumWARNING: RESTRICTED +18 "It's not love, it's obsession!"