Shane.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Kinapa ko kung may muta ako sa mga mata ko. 'Wala naman. Tumayo na ako para maligo agad ng diretsuhan, ngayon ang alis ko papunta ng america kasama ang isang Paul, halata naman na lagi siyang naiwas sakin pero hindi ko na pinansin.
Ang mag-kambal. Hindi ko alam, basta for sure ligtas na sila. Mukha pa lang nila masasabi mong kailangan talaga nila ng tulong. Tch.
Nasa isang hotel ako ngayon, syempre sa tulong parin ni Paul. Laki ng part niya sa'kin, ang masasabi ko napakabait niya.
Hinayaan kong dumaos-dos ang tubig ng shower mula sa mukha ko papunta sa katawan ko. Maraming imahe ang pumapasok sa isip ko. Maraming tao at tanong ang pumapasok sa isip ko. Sa loob halos ng tatlong linggo? Ganito ang nangyayari sakin, bakit ba ako nakakaranas ng ganito? Dahil sa isa akong masamang babae? Dahil ba isa akong palamura?
Dahil isang diyosa?
Pinatay ko ang shower pag-katapos maligo, kinuha ko ang towel sa gilid ko at tinapis sa katawan ko. Lalabas akong nakaganito, wala naman akong kasama dito, nasa kabilang kwarto si Paul.
Tapos na.
Tapos ko na gawin lahat ng kung ano ang ginawa ko sa katawan ko. Pinupunasan ko ang buhok ko para mapadali ang pag-tuyo nito. Gusto na gusto ko talaga ang kulay ng buhok ko, napakatingkad ng kulay na itim na siyang mas lalo kong nagustuhan.
"Shane?" Natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Paul. Tinaas ako ang ulo ko para makita siya, nasa pinto lang, naka-tayo.
"Yes?" kasual na tanong ko sa kaniya. Tinuloy ko ang pagtuyo sa buhok ko. Masyado akong nadi-distract sa kapogian niya.
'Lol.'
"P-Pwede bang...kahit sa susunod na araw na lang ang gusto mo na mangyari?" Parang naging blanko bigla ang utak ko sa sinabi niya.
Kung matatagalan pa ang pag-alis ko at kung sa susunod na araw pa, pwedeng mahanap ulit ako ng kambal. Pwedeng magalaw nila ulit ako, hindi ko hahayaan na mangyari pa 'yon at mas lalong pwedeng ikamatay na namin 'yon.
Ilang segundo pa ang lumipas bago ako makapag-salita ulit sa kaniya.
"Ba...kit...?"
Rinig ko ang buntong hininga niya. Parang ayaw ko ng humingi ng tulong sa kaniya, parang masyadong maraming pera ang makakaltas, ni visa at passport wala ako at gusto kong makaalis agad?
"Maraming kailangang asikasuhin sa gusto mo, Shane. Kung pwede mag-hintay ka kahit saglit lang na mga araw, 'wag ka mag-alala hindi ko hahayaan na mapaki-alaman ka ulit ng mag-kambal..." mahabang sabi niya. Tinabi ko ang tuwalya sa tabi ko, tinignan ko ang paa ko.
'Kailangan ko ng mag-palinis.'
"Hindi dahil sa kambal ang problema ko, problema ko lang talaga ang gagawin nila sakin kapag nahuli ako." Alam kong nalito siya sa sinabi ko.
"H-Hindi ko gets?" Makikita sa mala-diyos na mukha niya ang pag-tataka. Napaiwas ako ng tingin at napangiti. Ba't ba napapaligiran ako ng pogi? Tch.
"Hindi mo gets?" ngisi kong tanong sa kaniya. Para namang naka-kita siya ng aswang at ang laki talaga ng mga mata niya.
'OA ang pota!'
"O-O-O-Oo..." utal niyang tanong. Napabuntong hininga ako. Parang wala naman siyang mapapala kung magets niya 'yon diba?
"Huwag mo na intindihin, ang tanong ko ngayon ay kung kailan, kailan ako makaka-alis ng mabilis."
'Maging Flash ka! Tch.'
"Gaya ng sabi ko sa 'yo, pwedeng matagalan o sa susunod pang mga araw. Masyadong 'ano' ang gusto mo." napa-iwas siya ng tingin. Kita ko ang namumula niyang tainga.
"Gano'n ba? Sige, ok lang. Wala naman akong magagawa, hindi ba?" kaswal ang boses na sabi ko sa kaniya. Masyado naman ata kong pormal. Medyo oa 'yon at hindi maganda.
"Pwede pero depende." alam kong naka-plastar sa mukha ko ang tanong na 'ano?' kailan pa siya naging ganiyan? Ngayon lang ata.
"Eh? Ano'ng gusto mong sabihin? Di ko gets." para siyang asong ulol sa ngisi niyang ginagawa. Kung akala niya, bagay sa kaniya ang pinapakita niya, pwes hindi! Gusto kong sabihin pero nahihiya ako, may kailangan na nga ako, pero ako patong masyadong feeling diyos! Tch.
"Gaya ng sabi mo, 'wag mo na intindihin'." pakiramdam ko uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Kinuha ko ang tuwalya sa tabi ko, nirolyo at walang pasabi na hinampas sa kaniya. Pero naka-iwas siya kaagad.
"Woah! Easy! Joke lang!" umikot ako at bumwelo at hinampas ulit diretso sa mukha niya pero natapal ang kamay niya do'n kaya 'yon ang natamaan. Napa-mura siya at napa-hawak agad sa palad niya na namumula na siguro dahil sa ginawa ko.
"Ayaw ko ng binabalang ako." hinampas ko ulit sa kaniya at tuwalya pero naka-iwas siya at tumama sa pinto, kita ko na nabutas dahil sa ginawa ko. Tinignan ko siya na malaki ang mata habang naka-tingin sa butas ng pinto. Kinuha ko 'yong paraan para maka-atake sa kaniya, pero sadya atang mabilis siya sa paligid niya. Tumakbo siya palapit sa pinto at mabilis na lumabas.
'Sira-ulo.'
---
BINABASA MO ANG
Twins Obsession [ 1 ]
Narrativa generaleWARNING: RESTRICTED +18 "It's not love, it's obsession!"
![Twins Obsession [ 1 ]](https://img.wattpad.com/cover/116917801-64-k837842.jpg)