Obsession 3

21K 331 21
                                        

Black



Shane



NAKARATING kami sa bahay na tinutuluyan ng aking ama. Ang masasabi ko lang ay napakaganda ng lugar kahit na hindi ito isang mansion, masasabi mo parin na maayos o mayaman ang nakatira, halos puro salamin, black and white ang theme ng bahay.



Nakita ko ang ama at ina ko na naghahalikan sa harap ko, napaiwas ako ng tingin at kinagat ko ang pisngi ng bunganga ko sa loob.



'Ganiyan pala mukha niya? Mukhang sabik sa init.'



Sabihin na nating pangit ang ugali ko, pero mas maganda na 'yon kaysa naman sa makipagpekean ako rito.



Lumabas na ako ng sasakyan at dire-diretso ang lakad, hindi nila ako napansin marahil ay busy masyado sa halikan nilang dalawa. Nakalimutan ngang may anak sa sasakyan nila.



Nakapantalon ako na itim at may damit na itim rin at may tatak na 'F*CK YOU!' Naka-jacket rin ako pero kita ang tatak ng damit. Nakabukas ang pinakagitna. Mahilig kasi ako sa kulay na itim.



Hinanap ko ang kwarto ko, hindi ko tinanong. Isa-isa kong binubuksan kada kwarto na madaanan ko, isang kwarto na lang sa pinakadulo. Pagbukas ko ay tumambad sakin ang halos itim na kwarto.



Lumabas ako ulit bago pumasok, ulit, ay lumigon ako sa likod ko at kita ko lahat ng gulat sa mukha ng mga katulong sa bahay ng ama ko. Tinignan ko silang lahat ng masama bago pumasok sa loob.



'Nice...'



Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at binuka ang mga kamay ko at tumingin sa ceiling ng kwarto.



"I guess... dito na ako titira... kwarto ko ba 'to?" Tanong ko sa sarili bago tumayo at tumingin-tingin sa paligid.



Maganda, maaliwalas, malinis, pero may kulang.



'Huwalang buhay.'

---

Twins Obsession  [ 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon