Obsession 1

31.2K 349 26
                                    

Tub



Shane •



NAGISING ako na may kung ano'ng tumatama na mainit at nakakasilaw sa mukha ko. Dahan-dahan kong binuksan ang talukap ng mga mata ko.



'Mata pa lang maganda na.'



Kaagad akong napasimangot at kinuha ang kumot, sabay takip sa buo kong mukha.



Nasisinagan lang pala ako ng sinag ng araw. Umusog ako sa kaliwang bahagi ng higaan ko at doon ko pinag-patuloy ang pagtulog ko.



~KNOCK~KNOCK~



"SHANE!"



Malakas ang boses sa likod ng pinto ng kwarto ko. "Ngayon ang alis natin! Gumising kana riyan, honey."



Napaikot ang mga mata ko sa isip ko. Ayaw ko ng gano'ng boses! Iyong tipong ginagawa akong babae masyado.



Nakakarita!



Inalis ko ang kumot na tumatabon sa mukha ko at umupo sa kama ko habang nakatingin sa kawalan.



Bumuntong-hininga ako at tumayo na, bumalandra ang hello kitty kong pajama at gano'n rin ang pang-itaas. Lumapit ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko.



'Ang ganda ko naman.'

Pumasok ako sa bathroom at binuksan ang daluyan ng tubig ng  bathtub ko ng malamig na tubig na hinaluan ng mainit.



Hinintay ko munang mapuno ng tubig ang tub habang tinititigan ko 'yon, nang malapit ng mapuno'y tumayo ako sa pagkaka-upo ko sa bowl at hinubad lahat ng damit ko, wala akong bra na suot kaya lumantad ang malulusog kong dibdib. Ang suot ko lang na panloob ay isang undies.



Nilagyan ko muna ng pampabula ang tub at hinalo ko 'yon sa tubig gamit ang mga kamay ko para magka-roon ng bula. Nang magkaro'n pumunta ako sa sink at naghilamos at sipilyo. Matapos nun ay pumunta ako sa tub at nilublob ang katawan ko hanggang sa matakpan ang mga dibdib ko.



Nakakawala ng stress ang pinaghalong malamig at mainit na tubig. Ramdam ko 'yon sa bawat parte ng balat ko.



'Relaxing...'



Pumikit ako at ninamnam ang sarap... ng tubig sa tub.


---

Twins Obsession  [ 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon