Obsession 20

11.6K 227 90
                                    

Shane.

Napatingin ako sa babaeng kulay pula ang buhok at sumipol. Dalawang studyante ang lumapit sa kaniya at yumuko ng bahagya.

'King....ina....'

"Alam niyo na kung ano ang order ko..." Nanigas ako ng marinig ko ang boses niya. Masyadong ma-o-toridad. Nakakataas ng mga balahibo, kahit na basagulera ako natatakot ako...hindi sa kaniya, takot ako sa boses niya.

'Mwehehe'

Pinag-patuloy ko ang pagkain, nakita ko sa gilid ng mga mata ko na lumapit 'yong dalawang studyante kanina do'n sa grupo ng mga Jeje. Naka-upo na sila, pinaka-sentro.

'Bida-Bida rin, Jollibee...'

Napasinghap ako at muntik ng mapatayo buti na lang napigilan ako ni Yen. Sinipa nila yung nag-order ng pagkain nila.

"Shane! Ano ba?! Makinig ka nga! Hindi ka pwede maki-alam!" Mariing bulong sakin ni Yen.

"P-Pero---"

"Shane! May rules ang skwelahan na 'to! Nakikinig kaba?! Tandaan mo lagi! Hindi ka pwede maki-alam!" Napa-pikit ako ng mariin, tinignan ko ang dalawang studyante. Nahihirapan silang tumayo sinipa sila sa tiyan.

"Bakit mas nasusunod pa ang mga jejemon na 'yon?!"

"J-Jejemon?! Ano?!" Paktay!

"W-Wala..." Sabi ko at saglit na tinapunan ng tingin ang dalawang kawawang studyante. Pinag-patuloy ko ang pagkain.

"Sabi mo may mag-kambal diyan? Wala naman..." Sabay subo ng hiniwa kong hotdog na sinaw-saw ko muna sa ketchup.

"Kita mo 'yon..." Sabay turo sa lalakeng magulo ang buhok, may buntot pa na naka-sabit sa kaniyang kaliwang balikat. May pula rin na guhit. "Siya si Jeyden...mayro'n 'yang kambal si Jordan. Super angas ng dating no'n napaka-galing rin makipaglaban. Kilala sila bilang Gangster Twins. I mean mataas rank nila sa GW." Tinignan ko ng mabuti ang mukha no'ng Jayden. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko siya...

'Nasapak ko na 'yan eh!'

Bigla siyang tumingin sa gawi ko, at agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.

'Malakas? Bat nasapak ko siya?"

Siguro ina-alam niya mukha ko that time.

Pero it means, magaling 'yong Jordan?! Geez! Kinabahan ako bigla...kaba nga ba?! Puta!

Tinignan ko ulit ang pwesto no'ng Jayden at nanlaki ang mga mata ko ng makita kong titig na titig siya sakin na para bang ni-re-rape ako sa isip niya. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya. Ngumisi siya ng nakakaloko at dinilaan ang mapupula niyang labi.

Hindi ko namalayan na napagaya ako!

'King-Ina!!!'

"Ano apelyido ng mag-kambal?" Tanong ko, iniiwasan kong mautal.

"Mga Hickman ang apelyido nila."

Nanigas ako sa narinig kong binitawan na salita ni Yen.

'Fuck! This can't be...'

---

See ya' soon!

Twins Obsession  [ 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon